MARAHANG nagmulat ng mga mata si Soffie at ang nahihimbing na nobyo sa kaniyang tabi ang kaagad na bumungad sa kaniya. Hinaplos niya nang marahan ang pisngi nito upang gisingin. “Nick…” Marahan naman itong umungol at nagmulat ng mga mata. Diretsong umupo at ngumiti. “How are you? Tell me if you feel any pain, okay?” Nag-unat pa ito ng mga braso. Hindi namalayan ng lalaki na nakatulog itong nakayuko sa gilid ng kaniyang kama. “Ayos naman na ako.” “Great,” he said and his smiles never fade. Malinaw niyang naalala ang mga nangyari. Hawak-hawak ni Nick ang kaniyang mga palad habang iniluluwal ang kanilang kambal. Punong-puno siya ng pawis dahil sa hirap at sakit na nararamdaman, ngunit dahil batid niyang nasa tabi lamang ang nobyo, kaya naman nilakasan niya ang kaniyang loob. Subalit tu

