3

1706 Words
Chapter Three "Sure kang hindi mo type ang ganitong mukha?" nagtaas at baba pa ng kilay na para akong hinahamon. Tinitigan ko siya. Sayang din. Gwapo talaga ito at maganda ang hubog ng katawan. "Type ang ganyang mukha? Normal na mukha lang naman iyang iyo." "Ang harsh mo sa akin, ganda." "Uy! Maganda ako?" parang biglang na boost ang confidence ko sa itinawag niya sa akin. "Pero wala namang halaga iyon dahil galing ang papuri sa isang magsasaka, right?" "Tama." Nag-thumbs up pa ako rito. Pero nang gumawi ang tingin nito sa kamay ko ay agad kong ibinaba iyon. "Napaano iyan? Nagamot mo na ba iyan?" "Sa kalalaba ito." Napayuko ako at kunwari'y abala sa kamote. "Isang truck ba iyong nilalabhan mo?" "Hindi naman. Damit lang ng tatlong katao plus ako. Minsan pati iyong sa kapitbahay." "Ha?" litong ani nito. "Kasambahay kasi ako sa tiyahin ko. Tatlong libo ang sahod---" "3k? As in 3-0-0-0?" ani nito na hindi makapaniwala. Ewan ko ba kung bakit umabot kami sa usapang ito, kanina ko nga lang nakilala. "Oo. 3k. Gawain ko lahat. Mula paggising hanggang hating gabi ang trabaho. Kapag minalas na hindi magising ng maaga ay malamig na tubig pa ang gigising sa akin." "Tiniis mo iyong ganoong trabaho?" "Hindi naman ako nakapag-aral ng kolehiyo. High school lang. Mahina rin ang kokote kaya sa bahay na lang ni Tiya sa siyudad ako namasukan. Akala ng magulang ko ay pinag-aaral ako. Dahil nanghihinayang ako sa 3k ay tinuloy-tuloy ko na lang. Ito ang napala ko." "Bukas bumalik ka rito. Magkita tayo rito tapos sama ka sa akin sa bayan para maipa-check natin." "Taray sa maipa-check. Hindi ko afford iyon, Apollo. Okay na ito. Gagaling din ito soon." "Basta pumunta ka rito." "Ikaw talaga itong may type sa akin. Bukod sa nagagandahan ka ay gusto mo pa akong makita ulit." Punong-puno ng kumpiyansang ani ko rito. "Siraulo ka talaga. Hindi kita type, miss. Maganda ka pero masyadong common." "C-ommon? Sabagay, gano'n siguro talaga kapag sobrang tagal nang naghuhukay ng kamote. Mas maganda na sa mga mata ang makinis na kamote at kulay ube." Napairap ang lalaki sa kasarkastikuhan ko. Inabutan ako nito ng tubig. "Kagaganyan mo baka ma-in love ka sa magsasaka." "Kahit hindi na ma-in love." May diing ani ko. Alam ko kung gaano kahirap ang buhay. Danas na danas ko iyon. Hindi ko minamaliit ang mga magsasaka, saka magulang ko'y magsasaka rin. Sa ganitong lugar ng San Rafael ay alam kong marami ang magsasaka. Marangal ang trabaho nila. Pero... pero mahirap ang buhay. Hirap na nga ako sa buhay ay mag-aasawa pa? "Baka kainin mo iyang sinabi mo." Nangingiting ani ng lalaki. Nagkibitbalikat lang ako saka ako uminom ng tubig. Nang nabusog na ako'y nagpaalam na ako rito. "Salamat sa kamote, Apollo. Balik na ako roon sa Kubo. Baka hinahanap na ako nila nanay." "Kunin mo iyong kamoteng hindi pa luto. Iuwi n'yo na." Gumawi sa Sako ang tingin ko. "Naku! Baka mamaya magalit ang may-ari." Umiling-iling ako rito. Mamaya mabansagang pa akong dekwat queen. Bago lang sila nanay rito tapos masisira ko ang pangalan nila? Neknek ng lalaking ito. "Pwede iyan. Sige na. Kunin mo na." Nag-alinlangan ako. "Sige, mamaya paglabas ninyo sa gate ay daanan mo sa guard house. Ibibilin ko roon. Saka iyang kamay mo... kung ayaw mong magpa-check up ay pumunta ka pa rin dito. Magdadala ako ng ointment." Tumango na lang ako saka iniwan ito. Bumalik ako kina nanay sa kubo at sakto namang nagme-merienda ang mga ito ng nilagang kamote. "Kumusta ang pamamasyal, Calliope?" ngiting-ngiti na ani ni nanay habang nagsasalita ng juice sa baso saka iniabot sa akin. "Ayos naman, 'nay. Nakaabot ako sa batis. Maganda roon, 'nay." Tinanggap ko ang juice at saglit na uminom. "Hindi ka pa nakalibot sa ibang parte?" "Doon po ako nagtagal sa Kubo sa batis. Nakaka-relax po roon. Next time po iikot ulit ako." Binigyan ako ni Toto ng nilagang kamote na nabalatan na. Hindi ko na binanggit pa ang lalaking nakausap ko roon dahil baka mawalan pa iyon ng trabaho dahil nagsasayang ng oras sa pag-iihaw ng kamote. "Calisa, iyan bang anak mo'y may asawa o nobyo na?" gumawi ang tingin ko sa kasamahan ni nanay na nakasalampak sa sako at nagme-merienda rin. "Wala pa, Dolor. Single pa ang dalaga ko at mukhang ayaw mag-asawa." 24 pa lang naman ako. Hindi naman nagmamadali at wala pa sa isip iyon. "Aba'y may binata akong anak. Si Javier ko. Kilala mo ba iyon, Calliope?" sinubukan kong alalahanin. "Kaklase mo ng elementary iyon, ate." Singit ni Toto. "Ah, si Javier po." Bulalas ko no'ng naalala ko na. "Oo. Gusto mo ba akong maging---" "Ayaw ko pa sa tambay, Aling Dolor. Mahirap na nga po ang buhay ko ay magdadagdag pa ba naman ako nang pasanin?" tinapik ni nanay ang pwet ko. Natawa naman ang matanda at mukbang hindi na offend. "Baka kapag nakita ka no'n ay magbagong buhay iyon." "Aling Dolor, hindi naman ako rehabilitation center. Sa edad ni Javier na iyon ay mas kaya lang niyang magpadami ng bulbol hindi ng kita---" Sinaway na ako ni nanay. Tinawanan ko lang naman ito at naupo sa tabi ng kapatid kong si Toto. "Sasama tayo ulit dito bukas, 'te?" "Sasama ako, To. Ikaw ba?" "Oo naman, Ate Calliope. Linggo naman bukas eh." "Tapos sa Monday may pasok ka na?" "Opo, ate. May exam din kaya bukas magdadala ako ng reviewer." Marahan kong hinagod ang buhok ng kapatid ko. "Mag-aral nang mabuti, Toto. Maghahanap agad ako ng trabaho rito para makatulong din sa pag-aaral mo." Mas matalino sa akin ang kapatid ko. Para ngang mas lalo pa akong bumobo ngayon dahil sa abusong natanggap ko sa mga kamag-anak na naging amo ko. "Oo naman, ate. Kapag nakapagtapos ako ay mag-a-abroad ako. Tapos ako na ang bahala sa pamilya natin." Nauwi sa pagpisil sa pisngi nito ang kamay ko. "Pagbutihin mo sa buhay hindi para sa amin nila nanay. Kung 'di para sa sarili mo, To." "Ate, sobra-sobra na ang sakripisyo ninyo sa pamilyang ito. Babawi ako." Hindi man kami mayaman, nasobrahan naman ako sa palad sa pamilya ko. Pera lang ang kulang sa amin. Pero pagdating sa pagmamahal... winner kami. Tuloy ang trabaho ng lahat pagkatapos ng merienda. Nakatulog pa nga ako sa kubo ng ilang oras. Lunch, sagot din ng farm ang lunch ng lahat. Kahit may mga baon ang ilan sa kanila ay lahat pa rin ay may libreng pagkain. Mukhang maayos talaga ang Poli's farm pagdating sa mga tao niya. Pagdating ng uwian ay sabay-sabay nang lumakad palabas ang lahat. Nang nadaan kami sa guard house ay napansin ko ang sako na tiyak kong kamote ang laman. "Manong, sa akin po ba iyan?" hindi na ako nahiya na itanong iyon. "Oo, ineng. Kunin mo na." Agad ko namang kinuha at ipinabuhat kay Toto. "Salamat po." Tinanguan lang ako ng guard. "Ate, nagkalkal ka ng kamote kanina?" bulong ni Toto sa akin. "Hindi. May tauhan akong nakita kanina na nagha-harvest. Tira niya iyan sa inihaw niyang kamote." "Buti pwede iyon." "Pwede naman daw. Ayan nga't dala na natin." Madaming tauhan ang farm. Sa tingin ko'y hindi lahat ay magkakakilala. Sa sobrang lawak ng farm na may ilang ektarya ay tama lang din namang marami ang dapat na maging tauhan. Nilakad lang namin pauwi. Gano'n din naman ang iba. Kaso pagdating namin sa bahay ay inabutan namin sina Lola at ang iba ko pang tiyahin. Mga alagad ni Tiya Mameng ang mga ito. "Tama nga ako na narito ka, Calliope." Galit si Lola. Si Lola ay kapatid ng nanay ni nanay ko. "Pumasok muna tayo sa loob kung nais ninyong makausap si Calliope." Mahinahong ani ni tatay. "Makausap? Walang magaganap na usapan dito. Umalis kayo ngayon din." Galit namang ani ni nanay. "M-ay?" ani ko. Hinila nito ang itak ni tatay. Natakot ang mga tiyahin at Lola ko. "Kung hindi kayo aalis ay iitakin ko kayo." Banta ng nanay. "Calisa, pwede ka naming ipakulong." Ang isang guhit na kilay ni Lola ay umangat pa. "Kayo ang ipakukulong ko! Grabeng pahirap na pala ang dinadanas ng anak ko tapos hindi n'yo man lang ipinaalam sa amin. Ginawa ninyo kaming alipin dito tapos alipin din pala ng putanginang Mameng na iyon ang anak ko." "Bakit ba galit na galit ka, Calisa? Binabayaran naman ang anak mo ng tatlong libo." "Isaksak ninyo sa baga ninyo iyang tatlong libo na iyan. Mula ngayon ay hindi na namin kayo kamag-anak." "May," ani ko sa aking ina. Pinapakalma ko siya dahil iyon ang kailangan niya. "Ano bang ine-expect mo, Calisa? Buhay prinsesa siya roon? Aba'y dapat lang naman siyang magtrabaho. Kung iyong pinuputok ng butsi mo na pag-aaral ni Calliope sa kolehiyo... hindi na iyon itinuloy ni Mameng kasi bobo naman iyang anak mo. Buti nga ay pinapasahod pa." Hindi pala si nanay ang dapat na kumalma. Ako pala. Kasi pagkarinig ko no'n ay agad kong kinuha sa nanay ko ang itak at iwinasiwas ko iyon sa kanila kaya napaatras sila hanggang sa lagpas ng tarangkahan namin. "Huwag na kayong babalik mga hayop kayo. Pare-pareho lang kayo. Wala kayong pinagkaiba sa Mameng na iyon." Hiyaw ko. Mukhang hindi pa sana aalis ang mga ito, kaso si Toto ay biglang nagsabay ng tubig sa halaman at dumeretso iyon sa mga hindi welcome na bisita. "Calliope, bumalik ka na kay Mameng." Seryosong ani ni Lola. "Alalahanin mo ang tatlong libo na pwede mong kitain doon. Sa putikan talaga kayo pupulutin kung iaasa ninyo sa paghuhukay ng mga magulang mo ang ikabubuhay ninyo. Tignan ninyo ang mga sarili ninyo. Sa angkan natin ay kayo lang ang hindi umaasenso." Tumawa ako. "Sinong hindi aasenso kung kabit ng mayor?" ani ko. Umawang ang labi ng mga tiyahin ko. "Tama kayo nang narinig. Iyong Santa ninyong anak sa siyudad ay kabit ng mayor. Walang kamalay-malay iyong asawa na halos puro trabaho ang inatupag." "Bawiin mo iyang sinabi mong bata ka!" hiyaw ni Lola na mukhang hindi kayang tanggapin ang narinig niya. "Tama kayo nang narinig. Lola, taong simbahan ka 'di ba? Ipag-pray mo ang anak mo. Hindi pa man napupunta sa impyerno ay nasusunog na sa lupa dahil kabit ng mayor doon." Napasapo sa dibdib ang matanda. Muling nagsaboy ng tubig si Toto kaya napatakbo na sila sa sasakyan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD