PAREHONG natigilan ang kambal na si Elliot at Ellis nang magkasabay silang lumabas mula sa kani-kanilang kwarto. Sa tingin pa lamang nila, alam agad ni pareho kung saan pupunta ang isa’t-isa. “Momma called you?” Ellis asked. Elliot nodded. “Daddy called you?” Tumango si Ellis. They both closed the door from behind and walked towards their father’s private office. “Ano sa tingin mo ang sasabihin nila Momma?” tanong ni Ellis—always the curious one. “I think it was about the heir of Rios and Laurent Group,” tugon ni Elliot. Napatigil si Ellis saka tumalikod pero bago pa man siya makahakbang palayo, nahawakan na siya ng kakambal at hinila pa siya patungo sa kinaroroonan ng kanilang magulang. “I don’t want to go. I’m still young.” Elliot rolled his eyes. “We’re already sixteen, Elli

