Chapter 82 His POV Dalawang taon na ang lumipas pero parang wala naman nagbago o dahil hanggang ngayon ako lang ang hindi nakakausad kahit na ang mga tao sa paligid ko may kanya kanya ng buhay na binubuo, tinatangay lang ako ng alon ng buhay at hindi ako sumasabay. “Treyton may meeting ka mamayang after lunch tapos wala ka ng appointement pagkatapos non” sabi sakin ni Alex kaya tumango ako sa kanya. “Clear my schedule tomorrow, aalis ako” sabi ko sa kanya “Pupunta ka na naman sa kanila?” tanong nya sakin at tumango ako sa kanya. “Kulang na lang don ka na tumira at bumibisita ka na lang dito” sabi nya sakin kaya bahagya akong natawa “Mas ramdam ko kasi ang presensya nya don kesa dito” sabi ko sa kanya “Ewan ko sayo, pero wag mo sanang kalimutan na may batang nag aantay sayo sa mansyon nyo