Chapter 44 Her POV Naglakad lakad muna ko dito sa may dalampasigan dahil ayoko pang bumalik sa cabana namin ni Treyton dahil ang bigat ng atmosphere don after naming mag usap. Mas mainam ata na hindi na lang kami magpansinan na dalawa kahit alam kong napaka impossibleng mangyari non dahil limang araw kaming magkasama dito at sa iisang bahay lang kami nakatira at sa isang kwarto lang kami natutulog, hindi maiiwasan na mag kita kami, ang tanging paraan lang ay isubsob ko ang sarili ko sa trabaho para hindi kami nagkitang dalawa. Nahihirapan ako pag kasama ko sya dahil hindi ko mapigilan itong kung anong nararamdaman ko pag kasama ko sya, alam kong hindi tama at mali kaya pilit kong iniiwasan. Nang mapagod ako sa paglalakad huminto ako sa tapat ng puno ng buko at doon namalagi pansamantala