Chapter 24 Her POV Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Treyton para palipatin pa nya ko ng bahay kaya maaga akong gumising para hindi ko maabutan sya maabutan. Kailangan kong pumasok ng maaga para hindi ko sya makita, hindi naman kasi ako sang ayon na lumipat pa ko ng bahay dahil safe naman ako dito at magiging komplikado lang kung lilipat ako sa bahay nya. Nang masiguro kong maayos na ang gamit ko lumabas na ko sa kwarto at nag tungo sa main door ng apartment saka binuksan yon pero nagulat ako ng may isang pares ng paa ang nakita ko kaya tiningnan ko kung sino yon, “Treyton!” sambit ko ng makita syang nakatayo sa harapan ko na may kunot sa noo. “Saan ka pupunta?” tanong nya at tiningnan ang gamit kong dala. “Papasok ng trabaho!” sabi ko sa kanya at akmang lalabas pero naglakad