Chapter 15

2305 Words
Chapter 15 Her POV Kinabukasan nagising ako ng maaga dahil kailangan kong gumayak para sa event dahil maaga ang call time para sa opening ng main exhibit! Nagsimula na kong gumayak at naghanda ng susuotin para mamaya. Pinili ko ang isang square pants ko na kulay puti at tinernohan ng kulay egg yolk na sleeve less fitted blouse saka ng isang two-inch sandals lang. Pagkatapos nag pa room service na lang ako ng breakfast ko dahil ayoko ng maulit kahapon na nagsuka ako at nahilo dahil sa gutom. Inintay ko lang ang pagkain ko para bago ako maligo nakakain na ako. Hindi naman nagtagal dumating na ang pagkain ko at nagsimula na akong kumain. Hindi tulad nitong nakaraang araw magana akong kumain ngayon at naubos ko ang pagkain ko ng walang kahit anong nararamdaman sa tyan ko! Nang matapos akong kumain dumiretso na ako sa banyo para maligo. Hinubad ko na isa isa ang mga damit ko at saka tumapat sa shower at nagsimula ng magsabon ng katawan at mag shampoo ng buhok. Nang matapos akong maligo agad akong nagpunas ng katawan at nagsimula ng mabihis at mag ayos ng sarili. Sinigurado ko din na wala akong nakalimutan na gamit saka lumabas na ng cavana ng matapos akong mag ayos, sakto naman na dumaan ng service vehicle ng hotel kaya sumakay ako don para pumunta sa venue na pagdadaungan ng exhibit. Nang makarating ako sa venue tulad lang din ng kahapon ipinakita ko lang ang invitation pero ngayon inabutan na nila kami ng ID para sa pagkakilanlan namin dahil ngayon ung exhibit ay open for everyone kaya kailangan nilang malaman kung sino ba ang mga visitors nila. Pumasok na ko sa loob at nagsimulang mag ikot ikot para tingnan ang mga naka display na furnitures. Bawat kompanya may kakaibang style na ipinapakita pero dalawa lang ang talagang umangat sa lahat yon ay ang Montero Empire at ang mahigpit na kakumpentsya nilang kumpanya. Sinuri ko lahat ng nakadisplay na furniture at masasabi ko na lahat sila deserve na makabilang dito dahil sa ganda ng mga ipinamalas nila. “You’re so busy checking other design!” nagulat ako ng may bumulong sa tenga ko kaya napaatras ako at muntik ng matumba buti na lang nahila nya ko. “Mr. Montero!” sabi ko ng makita ko sya. “What did I tell you yesterday? You should call me by my name!” sabi nya pero hindi ko sya pinansin at tinuon ang atensyon sa furniture na tinitingnan ko. Nag take notes ako about sa mga furniture na tinitingnan ko at pumunta sa display ng Montero Empire at tiningnan ang design nila. “Ang pagkakaalam ko andito para sa lega team hindi para tingnan ang design ng mga furnitures dito.” Sabi ni Treyton kaya natigil ako sa ginagawa ko at itinago ang hawak kong papel saka sya nilingon. Tama nga naman sya na hindi ito ang dahilan kaya ako andito. “Okay Mr. Montero may ipapa-consult po ba kayo dahil base naman sa nakita ko wala naman kamuka ang bagong labas nyong design.” Sabi ko sa kanya saka ngumiti. Nalibang ako masyado sa idea na andito ako para tingnan ang exhibit hindi bilang adviser nila. “I want to ask your opinion base na din sa pagtingin at pag ikot mo sa buong exhibit! Anong masasabi mo sa bagong design na inilabas ng kumpanya namin sa ibang kumpanya!” sabi nya. “I can only answer question related to my jod Mr. Montero! Sabi nyo nga andito ako bilang parte ng legal team nyo hindi ng design ang production plus wala naman akong karapatan na magbigay sa inyo ng opinion tungkol sa bagay na to.” Sabi ko sa kanya in a well manner way. “I’m just asking your opinion not as part of my legal team but as my friend, Smanatha!” sabi nya at nakipagtitigan sakin kaya umiwas agad ako ng tingin. “Okay! Honestly dalawa kayong pumukaw ng atensyon ng mga tao dito dahil sa kakaibang design at style na ipinamalas nyong parehas but for me mas umangat ang Montero Empire not because your my boss but the materials and the quality of the furniture is great despite of the complicated design and style!” honest na sabi ko sa kanya at inabot ang notes ko kanina. “Very honest answer!” sabi nya saka mgumiti at tumango saka tinanggap ang notes na binigay ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinadala ni Clyde dito at bakit kailangan nila ng Legal team sa ganitong bagay mostly sa ganitong event dapat puro production at design team ang umaattend to explore their ideas about the design and style of the products. “Kung may kailangan pa kayo sakin sabihin nyo lang and by the way eto pala ang document na pinabibigay ni Attorney Cy for this event!” inabot ko sa kanya ang isang folder na hawak ko at inabot naman nya kay Mr. Romeo. “Join me exploring” sabi nya saka ako hinila at umikot kami sa exhibit para tingnan ang mga naka display. May mga tanong sya na sinasagot ko naman basta alam ko. “How come ang dami mong alam sa ganito?” tanong nya sakin, ngumiti ako sa kanya saka nagsalita. “Runs in the blood I guess” kibit balikat na sabi ko sa kanya. “Bakit asa firm ka kung ganon!” “Di ko din alam but if I have a chance mag aaral ulit ako!” sabi ko sa kanya “I can help!” “Ung totoo Mr. Montero, Hindi ako andito para sa personal na questions mo!” sabi ko sa kanya at naglakad na para tingnan pa ang ibang items. Hindi naman na sya nagtanong at bumalik na kami sa pwesto nami dahil may mga intiresado don at may mga potential investors na gustong makausap si Treyton. Tahimik lang ako sa whole duration ng event at magsasalita lang pag kailangan. Pinagmamasdan ko si Treyton kung paano sya makipag usap sa mga tao lalo na sa mga businessman na interesado sa pagkuha ng product. “Ms. Samantha tubig po!” alok sakin ni Alex kaya tinanggap ko yon saka uminom. Tiningnan ko ang oras at malapit ng matapos ang event. Dahil sa dami ng tao kanina hindi ko na nakuhang kumain dahil dito pa lang sa event may mga gusto ng pumirma ng kontrata sa Montero Empire kaya inasikaso ko yon para pagbalik ko sa Manila ipoprocess na lang ni Clyde lahat ng yon. “You can rest Samantha and go back to your cavana! Patapos naman na nag event!” sabi sakin ni Treyton at ibinigay ang isang folder na pinirmahan ng kausap nya kanina. “I’m still good!” sabi ko at uminom ng tubig saka itinabi ang folder na ibinigay nya sa bag na dala ko kung saan andon lahat ng papeles na napirmahan ngayon dito sa event. Ngayon naintindihan ko na kung bakit ako pinadala ni Clyde dito, yon ay para asikasuhin ang mga papeles na ito! Dapat sya ang aayos nito dahil mas may alam sya sakin pero wala akong magagawa dahil umalis sya at may ibang inasikaso. “Alex ikaw na ang bahala dito call me if there will be any problems!” Sabi nya kay Mr. Romeo at bigla akong hinila. “Saan mo ko dadalin?” tanong ko sa kanya at hinigpitan ang hawak sa mga gamit ko para hindi ko yon bamitawan dahil sa paghila nya sakin. “Kakain dahil pansin kong gutom ka na!” sabi nya at naglakad kami palabas ng venue. Hindi ko alam ko saan nya ko dadalin basta sumunod na lang ako sa kanya. Pag nag reklamo ako sa kanya baka magkasagutan lang kami kaya hindi na ko kumibo pa hanggang sa makarating kami sa street food hub ng resort! Eto ung pinuntahan ko nung araw ko dito! “Are you okay here?” tanong nya sakin ng makitang nakatingin ako sa loob. “Yes!” sabi ko at ako na ngayon ang humila sa kanya papasok. Hindi ko alam ang gusto kong kainin sa dami ng pagkain na pwede namin bilin kaya lumingon ako sa kanya para tanungin sya. “Anong gusto mo?” tanong ko sa kanya. “I don’t know! I don’t usually eat this kind of foods!” sabi nya na ikinakunot ng noo ko. Seryoso ba sya? Well hindi na dapat pala ako magtaka dahil sa yaman nyang yan hindi pala Malabo yon. “Okay kung ganon this is my treat!” sabi k o at hinila sya sa may barbeque. Tiningnan ko ang mga binebenta nila, mostly puro barbeque ang tinda at syempre hindi mawawala ang mga isaw at Betamax pero in a sosyal way nga lang. Kumuha ako ng apat na isaw, tatlong Betamax, dalawang addidas at anim na barbeque saka ko inabot kay ateng nag iihaw. Tiningnan ako ni Treyton na para bang nagtataka dahil sa mga kinuha ko pero ngumiti lang ako sa kanya at binayaran na ng pigilan ako ni Treyton. “Ako na!” sabi nya at nag labas ng wallter pero pinigilan ko sya at umiling. “This is my treat! Please!” sabi ko kaya wala syang nagawa at ibinalik ang wallet sa bulsa nya at ako na ang nagbayad. Medyo nalula ako sa presyo dahil asa five hundred pesos ang binayaran ko para don! Sabagay pinasosyal na version nga pala ito ng ihaw-ihaw sana ung lasa din! Inintay lang namin maluto at nang matapos na pina take out namin at lumipat namin kami sa ibang stoll. Habang naghahanap ako ng pwedeng bilin may nadaanan kami na nagtitinda ng ballot at chicharon bulaklak kaya na amaze ako at bumili dahil hindi ko naman ineexpect na meron ganyan dito. Bumili ako ng apat na balot at isang supot na chicharong bulaklak. Ung unang araw ko kasi dito hindi na ako naglibot pa sa loob para tingnan ang mga binebenta basta nung nakita ko na ang gusto ko un na nag binili ko saka umalis. “May bibilin ka pa ba?” tanong nya sakin. “Meron pa!” sabi ko at hinila sya sa bilihan ng danggit! Bumili ako ng inihaw na danggit saka ng inihaw na dried pusit pagkatapos bumili na lang kami ng inumin at umalis na. “Tara sa cabana ko!” yaya ko sa kanya para doon kumain. Naglakad lang ulit kami at ng makarating kami sa cabana ko inilagay ko sa lamesa dito sa labas ang mga pinamili naming pagkain para hindi mangamoy sa loob, pumasok lang ako sa loob para kumuha ng plato at baso para sa pagkain at inumin namin. Isa isa kong nilabas sa paper bag ang mga pinamili namin pagkain at inilagay yon sa plato! Agad akong natakap sa nakita ko samantalang sya nakakunot lang ang noo. “What are those foods?” takang tanong nya kaya inexplain ko sa kanya isa isa. “Ito ang tawag dito ay Betamax!” sabi ko at inangat ang Betamax which is ang inihaw na dugo ng baboy or ng manok. “Betamax?” takang tanong nya.  “Dugo yan ng baboy or ng manok! Tapos eto naman ang tawag dito addidas or chicken feet!” paliwanag ko sa kanya at tumango naman sya. “Barbeque at ito ang pinakamasarap sa lahat ang isaw which is the chicken intestine!” sabi ko sa kanya at biglang nagbago ang expresyon ng muka nya. Hindi ko sya pinansin at ipingapatuloy ang pagpapaliwanag ng mga pagkain na binili ko kanina, tulad ng balot, chicharon bulaklak at pusit saka danggit. Inabot ko sa kanya ang isang stick ng isaw at napangiwi sya. “This is torture!” sabi nya na ikinatawa ko naman. “Uy matinong pagkain yan!” sabi ko at nagsimula ng kumain. Feel na feel ko ang pagkain habang sya hindi maipinta ang muka kung isusubo ba ang isaw o ano! Paano pa pa gung balot baka bigla na lang sya umalis. “Ganito pagkain nyan!” sabi ko sa kanya at kumuha ng isaw at isinawsaw sa suka saka kinagat ginawa naman nya ang ginawa ko. Sa una nakangiwi pa sya habang nilalasahan ang isaw pero ng tumagal na umaliwalas na ang muka nya. “Not bad!” sabi nya saka kumain na. Pinagpatuloy lang namin ang pagkain hanggang sa dumako na kami sa main event which is the balot. “How do you eat this?” tanong nya kaya pinakita ko sa kanya. “Una ipupukpok mo muna haggang sa maalis mo ung shell tapos pag na open mo na may makikita kang sabaw then higupin mo!” sabi ko sa kanya saka ginawa. Ginagaya nya lang ako sa mga ginagawa ko. “Close your eyes!” sabi ko sa kanya kaya nagtaka sya pero ginawa pa din nya. Ako na ang nag alis ng balat at lumabas na ang kiti kaya naman kumuha ako ng kutsara at sinandok yon saka inilagay sa bibig nya syempre sinamahan ko ng suka at asin. “Open your mouth!” sabi ko at ginawa nya kaya isinubo ko sa kanya ang kiti at kinain naman nya. “Bakit ganun parang may buhok saka bakit ganun ang lasa? I can’y explain?” sabi nya saka dumilat kaya inabutan ko sya ng inimun at ininom naman nya yon. “Gusto mo bang malaman ang kinain mo?” tanong ko sa kanya at tumango naman sya. Sinimulan ko ng balatan ang balot na hawak ko at nanlaki ang mata nya ng makita ang kiti. “Seriously Samantha you let me eat that?” Gulat na tanong nya kaya tumango ako at tumawa. Agad naman syang uminom ng tubig. “You’re having fun torturing me!” sabi nya at umiling. “Sorry!” sabi ko at tumawa. Ang gaan ng pakiramdam ko habang kasama sya. After namin kumain nag ligpit ako at sya naman dumating na ang sundo kaya nag paalam na ko sa kanya at pumasok na sa loob ng cavana. Pagpasok ko sa loob may naamoy akong hindi maganda kaya biglang bumaligtad ang sikmura ko kaya tumakbo ako sa banyo para doon magsuka. Ano bang nangyayari sakin? Ang daming nagbabago sa katawan ko nitong nagdaan na araw at hindi ko na yon maintindihan! Ilang araw na kong ganito! Tumayo ako para magmumog at saka kinuha ang bathroom kit ko para kunin sana ang toothbrush ko don nang dumako ang tingin ko sa isang bagay na nakalagay don na nagpalaki ng mata ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD