Chapter 46 Her POV Hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Abuela sa tanong nya sakin, “Abuela---” hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng bigla akong naduwal kaya agad akong tumakbo sa may banyo at doon sumuka ng sumuka. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ko na naduwal ako dahil hindi ko nasagot ang tanong ni Abuela sakin. “Samantha okay ka lang?” tanong ni Abuela na sinundan pala ako dito sa banyo. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nag mumog saka humarap kay Abuela. “Opo okay lang ako, normal naman po sa buntis ang mag suka talaga.” Sabi ko sa kanya at ngumiti “Wag ka na kayang pumasok at magpahinga ka na lang.” sabi nya “Hindi po okay lang po ako, kailangan ko pong pumasok ngayon.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. “Sigurado ka? Baka kung ano mangyari sayo, I can call Attorney Cy.” Sabi nya