Chapter 37 Her POV Maaga akong gumising at nagdahan dahan sa mga kilos ko para walang magising kahit na sino man sa kanila, kinakabahan ako sa mangyayari pero ito na lang ang paraan para matapos na tong gulo na to at ng matahimik na ang lahat. Maingat akong lumabas ng bahay ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Nang masiguro kong okay na ang lahat mabilis akong naglakad palayo sa bahay namin at pumara ng masasakyan na tricycle papunta ng ospital. Ilang ulit ko tong pinag isipan kagabi simula ng marinig ko ang pag uusap ni Treyton at Alex. Ayokong maging sagabal sa kanila ni Annabeth at lalong ayokong lumaki ang bata na balang araw mag hihiwalay din kami ng ama nya dahil sa umpisa pa lang naman hindi dapat kami magsamang dalawa. Nang marating ko ang ospital nag bayad lang ako sa s