Chapter 61 His POV Pagkatapos ng prenatal class namin ni Samantha dumiretso ako sa kompanya dahil tumawag sakin si Alex at kailangan daw ako dito ngayon, pagbaba ko sa kotse si Alex ang unang sumalubong sakin “Anong nangyari?” tanong ko sa kanya “Tara sa opisina mo” sabi nya sakin kaya naman mabilis kaming naglakad papunta sa opisina ko at pumasok don. “Bakit mo ako tinawagan?” tanong ko sa kanya dahil ang alam ko wala naman akong appointment ngayon dahil ipina-cancel ko nga lahat kahapon dahil darating ang mga in-laws ko saka may appointment kami ni Samantha. “Tungkol sa interview nyo kahapon” sabi nya na ikinakunot ng noo ko, akala mo may emergency sa kompanya at may nangyari sa production namin. Hindi pwedeng magkaroon ng problema ngayon dahil kasalukuyan inaayos ang launch ng bagong