Chapter 4
His POV
Pabalik na sana ako sa hotel nang makarinig ako ng sigaw ng isang babae na humihingi ng tulong kaya hindi ako nagdalawang isip na puntahan yon at tulungan sya. “Hey man she said to let her go!” Sabi sa lalaking may hawak sa babae na humihingi ng tulong kanina.
“Who are you? Don’t distubrb us” he said at pilit nya pa din hinihila ang babae “Let her go” sigaw ko sa kanya saka sya biglang sinuntok at bumagsak sya sa buhangin.
“Are you okay?” I ask and she nod “Good, come on let’s go” I said at hinila sya palayo sa lalaking nakabagsak na ngayon sa buhangin dahil sa suntok ko.
“Salamat sa tulong mo” sabi nya sakin kaya huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Mukang ngayon nya ko nakilala.
“Ginawa ko lang kung ano ang tama saka sa susunod wag ka kung saan-saan pumupunta lalo na kung ikaw lang mag-isa.” Sabi ko sa kanya
“Salamat pa din sa tulong mo” sabi nya sakin.
“Are you alone?” curious na tanong ko kasi buhat kanina na hindi ko pa sya nakikitang may kasama man lang.
“Hindi” umiiling na sabi nya.
“Kasama ko ung boyfriend ko pero hindi ko sya makita buhat pa kanina kaya naglakad lakad muna ko hindi ko naman na pansin na malayo na pala ko. Nga pala kamusta ung proposal mo I bet successful yon” nakangiting sabi nya sakin kay biglang nagbago ang ekspresyon ng muka ko sa huli nyang sinabi. “May mali bas a sinabi ko?” tanong at iling lang ang naging tugon ko sa kanya.
“She left me already to pursue her dream.” malungkot na sabi ko sa kanya. Well totoo naman, Umalis si Annabeth at iniwan ako para sa pangarap nya.
“I’m sorry!” hingi nya ng paumanhin sakin “Wala kang dapat ikahingi ng paumanhin dahil hindi naman ikaw ang umalis at iniwan ako” nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi namna sya nag nang iwan sakin kaya wala syang dapat ika-hingi ng sorry sakin.
“Kung hindi ko tinanong sayo hindi mo naman maalala diba?” kibit balikat na sabi nya saka umupo sa bumangin na ikinakunot ng noo ko. “Madumi dyan” sabi ko sa kanya pero hinila nya ko paupo sa tabi nya kaya ngayon magkatabi na kaming nakaupo sa buhangin at nakatingin sa dagat at sa palubog na araw. “Hindi ka mamatay sa konting dumi lang” natatwang sabi nya sakin na para bang napaka OA ng sinabi ko.
“Bakit hindi mo tawagan ang boyfriend mo para may kasama ka.” Pag-iiba ko ng topic namin.
“Ginawa ko na pero hindi nya sinasagot ang tawag ko kanina pa kaya nga naglakad lakad ako dito, eh ikaw bakit hindi mo sya pinigilan umalis?” Nabalik na naman sakin ang topic.
“Matagal na nyang pangarap yon kaya kahit na ako ulit ang magsakripisyo ayos lang basta matupad nya ang pangarap nya” sabi ko sa kanya. Kahit na masakit para sakin na piliin na naman nya ang career nya kesa sakin okay lang dahil mahal ko sya. “Sobrang mahal mo talaga sya no”
“Oo, kaya kahit na ano pa man ang maging desisyon nya susuportahan ko sya kasi mahal ko sya” sincere na sabi ko.
“Bilib din ako sayo sa pagmamahal mo sa kanya, Ilang taon na ba kayong magkarelasyon?”
“Six years at sa anim na taon na yon kuntento na ko kahit pa laging career nya ang inuuna nya para sakin ganun ko sya kamahal”
“I sulate you for that” sabi nya saka biglang tumayo at nagpagpag ng sarili dahil puno ng buhangin ang damit nya “Saan ka pupunta?” tanong ko saka tumayo na din.
“Babalik na sa hotel para hanapin ang boyfriend ko gabi na din kasi saka mag c-celebrate pa kami ng third year anniversary namin” sabi nya saka naglakad na pabalik sa hotel pero pinigilan ko sya.
“Teka lang” sabi ko sa kanya.
“Bakit?” tanong sya saka ako nilingon
“I’m Treyton Duke Montero and you are?” pagpapakilala ko sa kanya at inilahad ang makamay ko. “I’m Samantha Vera Villareal, Nice to meet you” nakangiting sabi nya saka inabot ang kamay ko.
Ang tagal na namin magkausap buhat pa kanina noong tinulungan nya ko sa singsing ko ngayon lang namin nakilala ang isa’t isa. Nang bitawan namin ang kamay ng isa’t isa sabay na kaming naglakad pabalik ng hotel nag hiwalay na lang kami ng iba ang daan na tinungo namin.
Nagpasya na ko na bumalik na sa hotel room ko at magpahinga dahil wala naman akong gagawin ngayon kasi nga iniwan ako ni Annabeth. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor kung asaan room ko.
Nang pasara ang pinto may dalawang taong humabol at sumakay din. Base sa itsura nilang dalawa mukang may relasyon sila at kahit anong oras gagawa na ng milagro napailing na lang ako at nag step forward para hindi sila mapansin. Nang bumukas ang elevator lumabas na ko at naglakad papunta sa kwarto ko.
I was about to enter my room ng mapansin ko kung saan pumasok ang dalawang tao na kasabay ko sa elevator. Woah! So yon ang boyfriend ni Samantha? What an asshole! Ung girlfriend nya kanina pa sya hinahanap pero sya may kasamang ibang babae at sa kwarto pa talaga nila ng kasintahan nya gagawa ng milagro. Tsk! Kesa pumasok ako sa kwarto ko ang ginawa ko ay naglakad papalapit sa kwarto kung saan pumasok ang dalawang tao. Sakto naman na dumaan ang isang staff ng hotel kaya tinawag ko sya. “Excuse me can you open the door for me, I left my key inside”
“Sir we are not allowed to do that unless you- ” I cut her off “The room is under the name of Smantha Vera Villareal, she is my girlfriend but I cannot contact her to get the key because I left my phone inside so please can you open it”
“Let me check sir” she said and check something in her list then she smiles and tap her ID to open the door. “Thank you” I said and smile.
Nang masiguro kong nakaalis na sya dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.
“Are you sure that your girlfriend won’t come here?”
“She’s so naïve and stupid to figure out that I’m here so let’s start” Tarantado talaga. Lumabas na ko at iniwan kong naka awang ang pinto ng kwarto at hinanap na kung asaan si Samantha.
Kahit pa ngayon lang kami nagkakilala alam kong mabait sya at hindi dapat ginagawa sa isang babae ung ganon. Alam kong hindi ko dapat pakielaman ang problema nila perohindi ko namn siguro hahayaan na magpakatanga si Samantha sa taong wala naman kwenta. Nang makababa ako sa first floor nakita ko syang pasakay na ulit sa elevator kaya inunahan ko na sya sa pagpindot nito.
“We meet again” sabi ko sa kanya at pumasok sa loob ng elevator at ganon din sya.“Oo nga” nakangiting sabi nya, hindi ko alam kung makakangiti pa sya pag naabutan nya ang boyfriend nya sa kwarto nila ng may kasamang babae. “Saan ka pupunta ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Babalik na muna sa kwarto baka andon na ung boyfriend ko, Ikaw?”
“Same as you” sagot ko at pinindot ang floor namin. “Masyado sigurong nag enjoy ang boyfriend mo kaya hanggang ngayon wala but don’t get me wrong I’m just saying what I’ve notice since we met” makahulugang sabi ko sa kanya at tiningnan nya ko ng hindi maganda nagkibit balikat na lang ako.
“Maybe your right pero kung ano man yang tumatakbo sa isipan mo na gagawin ng boyfriend ko please stop kasi hindi sya ganon” sabi nya sakin. “If you say so” sabi ko saka lumabas ng elevator pagkabukas non, sumunod naman sya at naglakad na papunta sa kwarto nya. Tinitingnan ko lang sya at ang reaksyon nya ng tumapat sya sa pinto ng kwarto nila. Ilang minuto na syang nakatayo don kaya lumapit ako sa kanya “Oh bakit di ka pa pumapasok?” I ask “The door is open” nagtatakang sabi nya.
“Baka andyan na ung boyfriend mo” kibit balikat na sabi ko saka binuksan ang pintokaya pumasok na sya at sinundan ko naman sya. “Why are you here?” tanong nya ng makita akong nakasunod sa kanya.
“Wala” sabi ko saka itinulak sya papasok sa loob para makita nya ang boyfriend nyang kanina pa nya hinahanap.
“Greg” Tawag nya pero boyfriend nya pero ang narinig lang namin ay ang hagikgikan at ungol ng dalawa at nang makarating kami sa kama nila doon na nga namin naabutan ang dalawang taong magkapatong sa isa’t-isa.
“G-greg” tawag pansin ni Samantha sa kanya kaya naman agad syang lumingon samin at nanlaki ang mata at dali daling tumayo at tinakpan ang sarili ganun din ang babaeng kasama nya sa higaan. “I can explain Sam”sabi nya at lumapit kay Samantha pero umiwas lang sya. “Sam, she seduces me!” pagdadahilan nya.
“She seduces you? Ha? For three years Greg talagang eto pa ang isusukli mo sakin ha? Eto pa?” base sa boses ni Samantha iiyak na sya ano mang oras. “Sam listen okay, wala lang to she just enter this room by a mistake tapos bigla nya kong nilapitan” natatawa ko sa sinasabi ng boyfriend ni Samantha.
“Then you ended up in bed? What a lame reason!” biglang singit ko “Wag kang makielam dito, sino ka ba?” inis na sabi nya saka ako tinulak. Tarantado talaga “It is very clear that you are cheating on your girlfriend kaya wag ka nang mag deny kasi huli ka na sa akto pwede ba!” inis na sabi ko sa kanya.
Tumingin sya kay Samantha na tinulungan akong tumayo “Sino ba tong lalaki na to ha? Kung makaasta akala mo kung sino”
“Greg pwede ba huling huli ka na”
“Ah lumalaban ka na dahil dyan sa lalaki na yan ha! In the first place hindi naman mangyayari to kung binigay mon al ang sana ang gusto ko noon pa lang pero pakipot ka masyado alam mo yon! Akala mo naman ganun ka kaganda eh manang ka”
“Eh tarantado ka pala” sabi ko saka sya sinuntok kaya bumagsak sya sa sahig.
“You should respect your girlfriend at kung mahal mo talaga sya hindi mo sya pipilitin sa bagay na ayaw nya! Hindi excuse ung pag nangati ka hahanap ka ng iba dahil lang hindi nya maibigay ang gusto mo! Kung nangangati ka edi kamutin mo hindi ung may girlfriend ka na lolokohin mo at maghahanap ng iba” galit na sabi ko saka hinila palabas ng kwartong to si Samantha at dinala sa kwarto ko at pinaupo sya sa upuan.
“Cry” I said at doon na nga bumuhos ang luha nya. Naawa ako sa kanya at parang gusto kong magsisi dahil hinyaan ko syang makita pa ang nangyari kanina.
“Ang tanga tanga ko!” umiiyak na sabi nya “Here” sabi ko sabay abot ng panyo sa kanya
“Just cry” I said at niyakap sya para pagaanin ang loob nya. “Ganito ba talaga kasakit pag nag mahal ka?” umiiyak na tanong nya saka tumingin sakin. “It depends to the person you love” sabi ko sa kanya at inabutan sya ng tubig. “I’m sorry for crying and making your clothes wet because of my tears plus for bothering you with my drama. I think I should leave nakakahiya naman sayo” sabi nya at tumayo pero pinigilan ko sya. “I won’t mind saka hindi ka pa okay”
“I will be fine, masakit pero life must go on” sabi nya saka pilit na ngumiti.
“Let’s go” sabi ko saka sya hinila palabas ng kwarto. “Saan mo ko dadalin?” takang tanong nya sakin dahil bigla ko na lang sya hinila.
“Basta” sabi ko at dinala sya sa isang boutique ng isang kilalang brand. “I don’t have money for that.” Sabi nya at pilit inaalis ang kamay kong nakahawak sa kanya. “Don’t worry sagot kita” sabi ko at tinulak sya papasok.
Sinalubong kami ng mga staffs at sinabi ko sa kanila kung ano ang dapat gawin kay Samantha. Umupo lang ako sa isang tabi at nag basa ng magazine hanggang sa sinabi ng isang staff na okay na daw kaya ibinababa ko na ang hawak ko at tiningnan ang kinaroroonan ni Samantha.
The curtains slowly open at iniluwa non ang isang napaka-gandang babae. “Woah” yan lang ang nasabi ko at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. She looks great with that beautiful summer dress for tonight.
“Kailangan ko ba talagang suotin to? Hindi masagwa dahil maikli?” tanong nya pero umiling lang ako at lumapit sa kanya para tanggalin ang salamin nya. “Much better” sabi ko at tinapon yon kung saan. “Hey bat mo ginawa yon hindi ako makakakita” sabi nya. “Wear contact lens, mas bagay sayo ang walang salamin saka ilugay moa ng buhok mo” sabi ko sa kanya at tinanggal ang pagkakatali ng buhok nya kaya lumugay ang mahaba at medyo kulot nyang buhok.
“Maganda ka pala pag naayusan” sabi ko saka ngumiti sa kanya at yumuko lang sya. “Wag kag yumuko. Show them your beauty” sabi ko at ingat ang baba nya para tumingin sakin. “Never let down yourself because you are wonderful” sabi ko sa kanya at hinawakan sya sa kamay at nagbayad nakami sa cashier at lumabas ng boutique para naman bilan sya ng contact lense.
Pumasok kami sa isang eye store para hanapan sya ng contact lense at ako na ang pumili ng kulay nababagay sa kanya with is transparent dahil maganda ang kulay ng mata nya with is hazel brown. “Bakit mo to ginagawa para sakin?” tanong nya “Kasi deserve mo” sagot ko naman at binayaran na ang contact lense at umalis na kami.
“Saan mo ba ko dadalin?”
“You’ll see” sabi ko at dinala sya kung saan nakaparada ang isang kotse “Hop in” sabi ko saka sumakay pero nakatayo pa din sya kaya lumabas ako at isinakay sya sa loob. “Whose car is this?”
“I don’t know” kibit balikat na sagot ko sa kanya kaya naman nanlaki ang mata nya kaya hindi ko mapigilan ngumiti, she’s cute. “You steal this car! Oh my gosh” hesterical na sabi nya kaya tinawanan ko sya habang nag dadrive. “May gana ka pang tumawa dyan paano pag nakulong tayo”
“I’m just kidding! Kumalma ka dyan pwede pa” natatwang sabi ko sa kanya. “Pero saan mob a ko dadalin? Kinakabahan na ko sa kinikilos mo Treyton”
“Wala akong gagawing masama sayo kung yan ang inaalala mo!” paninigurado ko sa kanya. “Siguraduhin mo lang!”
“Hindi ako katulad ng boyfriend mong niloko ka”
“Pwede bang wag na natin pag usapan yon ngayon” malungkot na sabi nya at sumandal sa bintana ng kotse. Hindi na lang ulit ako nag salita pa.
I was driving for about a few minutes bago kami nakarating sa lugar kung saan ko sya dadalin. Inihinto ko ang sasakyan sa burol kung saan tanaw ang buong isla at ang kalangitan. “Andito na tayo” sabi ko sa kanya at saka bumaba.
“Ang ganda” masayang sabi nya saka pinagmasdan ang buong paligid “Maganda nga” sabi ko habang nakatingin sa kanya. “Bakit mo ko dito dinala?”
“Para mag relax at makalimutan ang problema natin sa pag-ibig” nakangiting sabi ko sa kanya saka sya nilapitan. “Alam mo nakakatawang isipin na nagkakilala tayo sa hindi inaasahang pangyayari at eto tayo parehas din nasasaktan dahil sa taong mahal natin”
Pinagmasdan ko lang ang muka nya saka ngumiti. “Hoy bakit ganyan ka makatingin sakin?”
“Wala, naisip ko lang ang sinabi mo.”
“Tama ako diba, we met because of a reason.” She said and I nod “Ano nang balak mo ngayon?” tanong ko sa kanya “Go back from where I came from, wala naman na kasing dahilan para manatili pa ko dito. This vacation should be our celebration for our third-year anniversary but it was ruined.” Malungkot na sabi nya kaya ginulo ko ang buhok nya at ngumiti sa kanya. “At least nalaman mo na ganon pala ugali ng boyfriend mo.” Kibit balikat na sabi ko sa kanya.
Hindi naman na sya nag salita at tumingin na lang sa langit na puno ng mga bitwin. “Gusto mo na bang bumalik sa hotel?” tanong ko sa kanya.
“May tanong ako sayo” sabi nya kesa sagutin ang tanong ko sa kanya. “Okay, ano yon?”
“Naisip mo ba na mas mahal ng girlfriend mo ang career nya kesa sayo?” seryosong tanong nya sakin.
“Minsan pero alam ko naman na mahal nya ko at kaya ko naman syang intayin hanggang sa maabot nya ang pangarap nya”
Alam kong pag-uwi ko hindi matutuwa si Abuela sa malalaman nya dahil bigo ako at hinayaan ko na naman si Annabeth para unahin ang career na pero hindi naman ako ganon ka-selfish para pigilan sya. “Sana makatagpo ako ng katulad mo na sobrang loyal” nakangiting sabi nya saka pumikit.
Pinagmasdan ko ulit sya. She is beautiful, inside and out sadyang gago lang talaga ang boyfriend nya para lokohin sya. Sana nga makahanap ka ng taong mamahalin ka din kagaya ng pagmamahal na ibinibigay mo. Ginaya ko sya at pumikit din para mag isip.
Matagal na kaming magkakilala ni Annabeth dahil sa iisang eskwelahan lang kami nag aral ng high school at simula non hindi na kami mapaghiwalay na dalawa kaya alam ko kung gaano nya talaga kagustong maabot ang pangarap nya kaya ayokong umabot kami sa puntong papipiliin ko sya kung ako ba o ang pangarap nya dahil alam kong parehas lang kaming masasaktan kaya hanggang kaya ko pa magtitiis ako para sa relasyon naming dalawa. “Treyton bumalik na tayo sa hotel” napadilat ako ng magsalita si Samantha. “Sige” sagot ko sa kanya at inayos at sarili saka sumakay sa kotse at ganon din sya. Buong byahe namin walang nagsalita hanggang sa makarating kami sa hotel.
Naglakad kami pabalik sa hotel ng madaan kami sa dalampasigan kung saan madaming tao kaya pinigilan ko sya.
“We should enjoy the night before we go back to our own life tomorrow” sabi ko sa kanya at hinila sya papunta sa may dalampasigan kung saan madaming tao. “Nakakahiya lahat sila nakatingin” naka yukong sabi nya kaya inakbayan ko sya “Don’t be shy andito ako” sabi ko sa kanya at naglakad kami papunta sa may bar counter. “One margarita and one whiskly please” sabi ko at agad naman ginawa ng bartender ang order namin.
“Enjoy the night and feel free wag mong isipin ang gagong lalaki na yon! Andito tayo para magsaya” sabi ko sa kanya at tumango naman sya. “Here’s your order sir”
Kinuha ko ang dalawang baso at inabot kay Samantha. “Have fun and relax” sabi ko at tinungga ang alak sa baso at ganon din sya. “Dahan dahan lang” bilin ko sa kanya.
“You said to have some fun kaya game” masayang sabi nya at kumuha pa ng alak para uminom. I will make sure na walang mangyayaring masama sa kanya at mag aalalay lang ako sa pag inom. I don’t want someone to take advantage over her.
Her POV
Gusto kong maging masaya kahit ngayon lang at hindi ko yon ipagkakaiit sa sarili ko. I will forget what happened and be happy for tonight. “Don’t drink too much Samantha hindi ka ganon kasanay na uminom” bilin sakin ni Treyton pero may tama na ata ako. “Kaya ko pa at saka sabi mo diba mag enjoy, kaya eto mag eenjoy ako” sigaw ko at nakihalobilo sa mga taong nag sasayaw sa gitna.
Sa isang iglap nawala ang hiya ko at napalitan ng katapangan ng hiya. I dance like there’s no tomorrow and drink like this is my last drink. Alam kong bukas magsisi ako dahil paniguradong masakit ang ulo pero who cares I want to enjoy ang forget everything.
“Samantha careful” sigaw ni Treyton saka ako sinalo ng may bumangga sakin or should I say may nabangga ako. I look at him and hold his hand “Let’s drink to forget the person who cause us pain” sabi ko sa kanya at inabot ang bote ng alak na hawak ko at pilit syang pinainom. “Your drunk Samantha, Bumalik na tayo sa loob ng hotel” sabi nya at hinila ko pero hindi ako pumayag. “Treyton you promise me that you will help me to forget him, right? Kaya please wag muna tayong umalis kasi andito pa din eh” sabi ko at itinuro ang dibdib ko. The pain is still here at ayaw ko ng maramdaman ang sakit na yon.