Chapter 18
Her POV
Nakapag desisyon na ko at yon ay bubuhayin kong mag isa ang bata at hindi ko ipapaalam kay Treyton. Sya nga ang ama pero ayokong lumaki ang anak ko na magulo ang sitwasyon namin ng ama nya dahil may sarili na itong pamilya. Alam ko sooner or later pagbumalik na si Annabeth dito magpapakasal na sila ni Treyton at para saan pa na sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa ipinagbubuntis ko kung may babae naman na handang maging ina ng mga magiging anak nya. Alam ko naman na wala akong laban sa babaeng mahal nya kaya hanggang maaga pa lang lulugar na ko. Hindi naman malalaman ni Treyton na anak nya to dahil bago pa mangyari yon wala na ko dito at hindi na ako magpapakita pa sa kanya. “Samantha!” narinig kong tawag ni Erica mula sa labas ng kwarto kaya binuksan ko ang pinto ng kwarto ko para papasukin sya. “May dala kong pagkain asa labas kumain ka muna bago ka mag pahinga dahil kailangan mo yon lalo na ng bata!” sabi nya kaya sumunod ako sa kanya at lumbas ng kwarto para kumain. Pero hindi pa man lang ako nakakalapit sa lamesa bumaliktad na agad ang sikmura ko kaya mabilis akong tumakbo papunta sa lalabo at doon sumuka ng sumuka. “Sam okay ka lang ba? Eto ang tubig oh!” nag aalalang sabi ni Erica habang hinahaplos ang likod ko. Nag mumog naman ako at nag hilamos saka kinuha ang inaabot nyang tubig at inimom yon. “Pasensya na kung bigla akong sumuka. Hindi ko kasi nagustuhan ang naamoy ko kaya bumaliktad ang sikmura ko!” sabi ko sa kanya. “Sige ako na bahala sa dala ko bibili na lang ako ng iba!” sabi nya pero pinigilan ko sya. “Wag na Erica nakakahiya sayo!” pagtanggi ko sa kanya at pilit na nilabanan ang amoy ng dala nyang pagkain.
Nakakahiya sa kanya kung hindi ko kakainin ang dala nya sya na nga ang nag abalang dalan ako ng pagkain tapos masasayang lang. “Hindi Sam okay lang sakin basta ang importante okay ka!” sabi nya at inilayo sakin ang pag kain nyang dala at inilagay yon sa ref para hindi ko maamoy. “Okay lang ako Erica saka kaya ko naman!” sabi ko sa kanya. “No, Samantha! Sabihin mo sakin kung may gusto kang pagkain at bibilin ko!” sabi nya pero umiling lang ako kahit na ba may pagkain akong naiisip ako gustong kainin. “Samantha ano ka ba? Wag kang mahiya sakin! Kaibigan mo ko at andito ako para tulungan ka!” sabi nya sakin kaya wala akong nagawa kung hindi sabihin sa kanya ang gusto ko. “Gusto ko sana ng mansanas at ubas” sabi ko sa kanya. “Yun lang baa ng gusto mo sigurado ka?” tanong nya at tumango ako. “Sige bibilin ko lang, babalik ako ah!” sabi nya at lumabas na ng bahay para bilin ang sinabi ko. Sobrang nagpapasalamat ako at nagkaroon ako ng isang kaibigang katulad ni Erica. Napakabait nya at hindi nya ko pinapabayaan! Alam kong hindi na ko makakahanap ng katulad nya. Inintay ko lang syang dumating habang na nonood ng TV. Hindi naman sya nagtagal at pagpasok nya madami na syang dalang mga pagkain. “Samantha bakit umiiyak ka ano yang pinapanood mo?” tanong nya sakin pagpasok nya sa bahay at ibinaba ang mga dala nya. Kinapa ko naman ang pisngi ko at tama nga sya na umiiyak na pala ako. Lumapit sya sakin at tiningnan ang pinapanood ko. “Seriously Samantha umiiyak ka dahil sa doraemond?” hindi makapaniwalang sabi nya kaya pinunasan ko ang luha ko at tumayo. “Hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ko!” sabi ko sa kanya. “Ganyan ba talaga pag buntis nagiging emotional?” sabi nya kaya tumango ako. “Okay sige! Eto na ang pinapabili mo!” sabi nya at inilabas ang ubas saka mansanas kaya agad ko yong kinuha at hinugasan saka inilagay sa plato. “Salamat dito!” hingi ko ng salamat sa kanya at kumuha ng ketchup saka inilagay sa plato. Nagsimula na din akong hiwain ang mansanas at ng mahiwa ko yon bumalik ako sa pwesto ko kanina at nanood ng TV habang kumakain ng ubas at ng mansanas. “Samantha ang weird mong buntis!” sabi nya kaya lumingon ako sa kanya at kumunot ang noo ng makitang ang sama ng tingin nya sakin. “Gusto mo ba?” alok ko sa kanya pero umiling lang sya kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Ang sarap ng lasa ng mansanas at ubas pag sinawsaw mo sa ketchup. “Samantha kadiri yang ginagawa mo!” sabi ni Erica saka tumabi sakin pero hindi ko na lang sya pinansin at kumain na lang ng kumain dahil sarap na sarap ako sa kinakain ko. Ngayon lang ata ako nakakain ng ganito kagana simula noong nakaraang linggo, tuwing kakain kasi ako asa kalagitnaan pa lang ako ng kinakain ko nasusuka na agad ako. Hindi ako iniwan ni Erica at dito na sya natulog sa apartment ko, kahit paano naman medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil may kasama ako at may masasabihan.
Maaga akong nagising dahil nakaramdam ako ng para akong masusuka kaya dali dali akong tumakbo sa banyo para doon sumuka. “Arckkkkk” suka ko kahit na parang wala naman lumalabas at puro tubig lang. “Sam! Kaya mo pa ba?” nag aalalang tanong ni Erica sakin at inabutan ako ng tubig saka hinimas ang likod ko. Patuloy lang ako sa pag suka hanggang saw ala na kong mailabas, Inabot ko sa kanya ang tubig para mag mumog. Dahan dahan akong tumayo at naglakad pabalik sa kama habang naka alalay sya sakin. “Kaya mo ba? Gusto mo dalin na kita sa ospital?” tanong nya sakin pero umiling ako. “Kaya ko naman saka normal lang to wag kang mag alala may pasok pa tayo!” sabi ko sa kanya saka tumayo para igayak ang gamit ko sa pagpasok. “Sam papasok ka pa talaga?” tanong nya.
“Erica buntis ako oo, pero wala akong sakit! Kaya kong pumasok.” Sabi ko sa kanya kaya naman wala syang nagawa kung hindi ang hayaan na lang ako sa gusto ko. Hindi naman porket buntis ako titigil na ako sa pagtatrabaho dahil syempre kailangan kong kumita ng pera para sa magiging anak ko. “Wala akong magagawa kung yan ang gusto mo! Ipaghahanda muna kita ng pagkain, ano ba gusto mo?”
“Gusto ko ng danggit!” sabi ko sa kanya. “Buti naman normal na pagkain ang gusto mong buntis ka! Hala sige na maligo ka na at susunod na ko pagkaluto ko!” sabi nya saka lumabas kaya pumasok naman na ko sa banyo para maligo. Bigla akong natakam ng maalala ko ang danggit! Grabe ang bilis mag bago ng mood ko ngayon sana lang maging maayos ang araw ko ngayon lalo na sa opisina!
Nang makatapos na akong maligo at mag ayos lumabas na ko ng kwarto ako doon ko naamoy ang danggit kaya kumalam agad ang sikmura ko. “Kumain ka na buntis!” sabi nya at inilapag sakin ang niluto nyang danggit at ang bagong lutong kanin. “Kumain ka na din!” sabi ko sa kanya at nag simula ng kumain. “Mauna ka na, maliligo muna ko!” sabi nya saka pumasok sa kwarto! Itinuon ko naman ang sarili ko sa pagkain ng danggit pero parang may kulang kaya tumayo ako para kumuha ng pwede kong pagsawsawan at biglang nahagip ng mata ko ang ketcup saka ang toyo kaya parehas ko yong kinuha para gumawa ng sawsawan, naghiwa ako ng kalamansi at piniga yon sa isang platito at nilagyan ng toyo saka ketchup at nag simula ng kumain. Mas naging magana ako ngayon kumpara kanina na wala akong sawsawan. Halos maubos ko na nga ang pagkain ng lumabas si Erica at tiningnan ako. “Binabawi ko na pala ung sinabi kong normal na pagkain ang gusto mo!” iling na sabi nya at tinalikuran ako. “Uy saan ka pupunta? Kumain ka na!” yaya ko sa kanya pero umiling sya “Sam nawalan na ko ng gana sa opisina na lang ako kakain! Bilisan mo na dyan ng makapasok na tayo!” sabi nya at nag tungo sa sala kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Alam kong kakaiba tong mga kinakain ko pero ganun naman talaga ata pag buntis kakaiba ang nahihiligan kainin.
Nang matapos akong kumain at magligpit pumasok ako sa kwarto para mag toothbrush at kunin ang gamit ko saka lumabas. “Erica tara na!” yaya ko sa kanya habang bitbit ang gamit ko. Sabay kaming lumabas ng apartment ko at sinigurado kong nakasara yon bago sumakay sa taxi na pinara ni Erica. Dahil nga maaga pa naman at walang traffic mabilis lang kaming nakarating sa firm. “Sam mauna ka na sa taas bibili lang ako ng kape o gusto mong sumama?” tanong nya sakin pero umiling ako. Ayoko ng amoy ng kape baka mamaya bigla na naman akong masuka. “Ikaw na lang! aakyat na ko.” Sabi ko sa kanya at nagpaalam saka umakyat na sa taas. Tulad nga ng dati ako pa din ang nauna at himala lang na walang tambak na trabaho sa lamesa ko ngayon hindi katulad noong galing ako ng Hawaii parang nag mistulang tambakan ang lamesa ko sa dami ng papeles na dapat tapusin na itinambak sakin ng mga ka-opisina ko.
“Oh Samantha bakit andito ka akala ko naka leave ka ngayon? Sabi ni Attorney Erica kahapon masama daw ang pakiramdam mo noong kauuwi mo lang galing Palawan!” yan ang salubong sakin ni Ma’am Lisa ng madaan sya sa table ko. “Okay na po ako Ma’am nahilo lang po siguro ako sa byahe kaya hindi po ako agad nakapag report kahapon ng makabalik ako!” sabi ko sa kanya saka yumuko. “Ah sige pero nag bigay pala ako ng utos sa mga kasamahan mo na wag kang bigyan ng work load ngayon even sir Rolly nasabihan ko na din kaya you can rest for a while at intayin mo din pala ang tawag ni Attorney Cy dahil may itatanong sya sayo tungkol sa papeles na galing sa Palawan!”
“Okay po Ma’am, Salamat” sabi ko sa kanya at ngumiti.
Umalis naman na sya agad para pumasok sa opisina nya kaya naiwan na lang ulit akong mag isa dito. Kaya pala walang tambak ang table ko ngayon dahil sa utos ni Ma’am Lisa. Hindi ako mahihirapan ngayon araw, buti naman akala ko kasi ga-bundok na naman ang gagawing trabaho dahil nawala ako ng ilang araw. Umupo na ulit ako sa upuan ko at humarap sa computer ko at sinumulan ang naiwan kong trabaho na hindi naman ganun kadami. Ang tagal ko bago matapos to dahil lagi akong natatambakan ng trabaho buti na lang ngayon kahit papaano may oras ako. “Uy napanood nyo ba ung news kagabi?” Narinig kong sabi ni Kelly habang papasok sila “Ano na naman yon?” tanong ni Sally at dirediretsong nag lakad papasok at ibinaba ang gamit sa desk nya, lumapit naman sa kanya si Kelly. “May bagong model na iniluanch ang isang famous agency to be part of their big circle at ang nakakatuwa isa syang Pilipino.” Excited na sabi ni Kelly at hanggang ngayon hindi pa din nila ko napapansin dahil busy sila sa pagbibidahan. “Ah alam ko yon! Si Annabeth Baltazar, isang kilalang model na biglang nagboom at natanggap sa star agency!”
Annabeth Baltazar? Ung girlfriend ni Treyton! Tama nga sikat nga talaga sya, Sya din ung babaeng nakita ko at hinangaan ko sa TV non. Sinong mag aakala na ang babae pala na yon ang kasintahan ni Treyton at sya din ang babaeng nagawan ko ng kasalanan. Hindi ko sinasadyang matabig ang notebook ko kaya nalaglag yon at nakagawa ng ingay kaya napatingin sakin sila Sally. “Uy andito ka na pala!” sabi ni Kelly saka lumapit sakin at sya ang pumulot ng nalaglag kong notebook. “Salamat” sabi ko sa kanya at inabot yon. “Sabi ni Ma’am samin wala ka daw today dahil may sakit ka bakit ka pa pumasok?” tanong nya. “Okay naman na ko saka nahilo lang ako! Hindi naman big deal yon!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Okay!” sabi nya at bumalik na sa pwesto nya kaya naman humarap na ulit ako sa ginagawa ko. Buong maga wala akong masyadong ginawa tulad ng sabi sakin ni Ma’am Lisa ng bandang hapon naka tanggap ako ng tawag galing kay Attorney Cy kaya nagmadali akong pumunta sa opisina nya sa taas para mag report. “Si attorney?” tanong ko sa secretary nya. “Asa loob kanina ka pa iniintay!” sabi nya kaya pumasok na ako sa loob. “Attorney!” tawag ko sa kanya kaya nag angat sya sakin ng tingin at itinuro ang upuan para umupo ako.
Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa upuan sa harap nya. “Tungkol nga pala sa file na galing sa Palawan lahat ba na yon ay pirmado na ni Mr. Montero?” tanong nya. “Yes, attorney wala na pong problema yon, you just need to review it and give it back to Mr. Montero.” Sabi ko sa kanya at tumango naman sya at tinigilan ang ginagawa saka tumingin sakin. “Nabalitaan ko kay Erica ang nangyari sayo sa Airport! Kamusta ka na?”
“Okay lang po ako!” tugon ko sa kanya. “I’m worried baka kung ano na ang nangyari sayo!”
“You don’t have to Clyde kaya ko ang sarili ko saka simpleng hilo lang yon!”
“You look pale!” sabi nya kaya umayos ako ng upo. Kahit na ba kaibigan ko sya hindi pa din nya dapat malaman na buntis ako dahil may koneksyon sya kay Treyton! “Okay lang ako!”
“Kung yan ang sabi mo edi fine! After I finalize the contract ipapadala ko na to sa Montero Empire! Thank you for your help ang ganda ng feedback sayo ni Mr. Montero! Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinadala ko sa Palawan! Hindi pa din nawawala ang galing mo sa ganitong bagay!”
“Thank you for your compliment and trust!”
“Okay you can leave at madami pa kong gagawin istorbo ka na!” sabi nya at itinaboy ako “Ikaw ang nagpatawag sakin dito!” iling na sabi ko saka lumabas.
Buo na talaga nag desisyon ko na walang pagsasabihan na nagdadalang tao ako. Mahihirapan lang ako pag madaming makaalam nito. Alam kong hindi tama na ilihim ko kay Treyton na buntis ako at sya ang ama pero magiging komplikado lang ang lahat! Parehas kaming nag desisyon ni Treyton na ituturing na lang ang isa’t isa na hindi magkakilala kaya wala ng rason para malaman pa nya.