NAG-ANGAT ako ng tingin. Napasinghap ako ng makitang nag-abot na ng card si Charles! He took off his cap and mask just to get pay my bills! Mabilis na lumapit ang manager sa cashier dahil nagkatinginan na sila ng staff. I don't know what to react. I am speechless. Bitbit ko 'yong bag ko habang naglalakad papunta sa direksyon ni Charles na nakatitig sa akin at ngumiti. Mabilis niya akong inakbayan at hinalikan sa buhok. Napangiti iyong ibang staff pero ako... hindi ko magawang ngumiti. Nahihiya pa rin ako. Hiyang-hiya sa mga nangyari. "I'll pay you. In cash," bulong ko sa kanya habang pinapanuod namin ang pag-swipe ng cashier sa terminal. "No need. It's my gift," sabi niya at dumaosdos ang kamay para hawakan ng mahigpit ang aking palad. Hindi ko na magawang makapag-isip ng matino. Hind