HINDI ako nakapasok ng araw na 'yon at sa bahay na lang ako nagtrabaho. Ginawa 'yong mga p'wede kong gawin kahit nasa bahay lang ako. Nawawala lang sa konsentrasyon dahil naalala ko 'yong sinabi ni Charles sa akin na muntik na akong ma-rape no'ng Wesley na 'yon. "Find that guy, Jay. I will pay you double kapag nakuha mo ang impormasyon tungkol sa kanya." Inutusan ko na ang private detective sa paghahanap kay Wesley. Dumagdag pa siya sa problema ko pero hindi p'wedeng hindi ko gawin dahil nagbalak siya ng masama sa akin. I will sue him for attempted raped. Naramdaman ko 'yong pagbukas ng pinto at mula sa gilid ng aking mga mata ay si Yaya Erlinda iyon. Nagpatuloy ako sa pagtitipa sa laptop. Narinig ko ang pagbaba niya ng tray sa lamesa. "Kumain ka na, Tillie," mahinahon niyang sabi. "L