Hindi ako naging ganito kakuntento at tahimik sa buong buhay ko. Ang liwanag ng araw ay unti unting lumubog habang papadilim na ang paligid. Lumabas ang anino ng araw sa pamamagitan ng karagatan. Ang lumang mansyon dito ay merong matibay na pundasyon kaya siguro kahit sa lumipas na panahon ay hindi ito nasira. Ang malawak na sala ay merong kulay cream na interior. Merong magarang chandelier, at makinis na hagdan patungo sa ikalawang palapag ng mansyon. Nalalatagan ang hagdan ng kulay abo na carpet. Sa gilid ng malawak na sala ay isang mahabang mesa. Ngumiti ako ng nakapasok ang iilang ibon sa loob. Huni ng mga ibon,ihip ng hangin at ingay ng dagat ang maririnig mo sa lugar na ito. Sa hindi kalayuan ng mansyon ay ang naglalakihang korales, mga naglalakihang bato at rock format

