Isang pagbagsak ng pintuan ang nakapagbalikwas sa akin nang bangon. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Nakagapos sa lubid ang aking dalawang kamay, 'ganon rin ang aking paa. Nanghihina ako, ramdam ko ang panghihina ng sistema ko. May tumakip sa aking ilong kanina. Sino yun? "L-Lolo! Lola!" Pilit kong sinipa ang aking mga paa at pinilipit ang aking kamay pero dumugo lamang ito sa sobrang higpit. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko alam kung nasa isang bangungot ba ako? Patay na si tita Elisa. Nasaan sila lolo at lola? Bakit ako nasa silid na ito?Dahan dahan akong umupo gamit ang mahinang pwersa ko. "Tulong!!" Nakagapos man ang aking paa at kamag pero may bibig naman ako. Kahit mapaos ako kakasigaw wala na akong pake. Kailangan kong makaalis. "Tulong!!" "Ano ba 'yan

