Throwback part 2 "Siya ang rason kung bakit namatay ang mama mo. Hindi ko man gusto ito pero wala akong ibang paraan na alam. Kilala nila lahat ang mga taohan ko. Kung ikaw ang lalapit at malalaman niyang anak kita kakagat sila sa pain. And I know he won't kill you. . . my precious. . .” Malikot ang mata nang isang may edad na lalaki. Nasa bibig nito ang isang tobako. Madilim ang silid at liwanag sa lampara ang nagbibigay ilaw. "Anong gusto mong gawin ko?” Humalakhak ito. "My precious. . .you know the brilliant idea. Alam kong manang mana ka sakin.Pikutin mo ang ulo nang demonyong 'yon." "Payag ako at magbabayad siya." _____________ Nang bumalik ako, hindi na nagtanong si papa kung bakit ako nawala. Parang alam niya ang nangyari at nanatili siyang tahimik. Hindi ko siya nakitaan

