You are mine Nanalaytay sa aking mga ugat ang pamamanhid. Halos mapatayo rin sa pagkakaupo nang marinig iyon. Ni hindi siya nagulat sa aking naging reaksyon. Umiling-iling at napahawi sa aking buhok. Nilapag ang cellphone sa mesa. "Wait lang.Hindi ko maintindihan." Litong-lito ako sa mga nakita. Nalilito ako sa mga litrato. Kinagat ko ang aking labi at tinignan siyang nakatiimbagang. His arms were circling on my waist while the other were on my thigh. "M-May anak ka.." Tumango ito. Napasinghap ako at tinulak siya. "K-Kabit ako?" hindi ako makapaniwala. Dinilaan niya ang labi at umiling. "You will never be." Tinignan ko ulit ang litrato nito at nakita kong kamukhang kamukha ito ni Leon. Binalik ko ulit ang cellphone sa mesa. "Ayoko niyan." "Fine,I

