Chapter 11

2660 Words
"Today, ibibigay ko sa inyo ang magiging activity niyo next week para mapaghandaan ninyo," sabi ni Mrs. Bayona habang inilatag ang mga papel sa mesa na nasa kaniyang harapan. "Group leaders please come here in front and get one." Biology ang subject namin ngayong umaga. Every Wednesday kasi ay sa unang period ang biology namin. May conflict kasi sa schedule ni Mrs. Bayona dahil nagtuturo rin siya sa mga junior high students. Tumayo ako at pumunta sa harapan para kumuha ng isa. Nagsitayuan din ang ibang group leaders. "As you can observe, majority of the class are boys, right? I intentionally include atleast one per group because of this activity," aniya. Nang makakuha ay agad akong bumalik sa aking upuan. Binasa ko ang hawak na bond paper sa aking kamay at nanlobo ang aking mga mata nang mabasa ang nakasulat. Napanganga ako sa nabasa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya. Buti at tatlo kaming lalaki sa grupo and that makes me feel at ease. Pwede naman sigurong si Dave o Kairo na lang diba? Since I'm the leader, I can assign who would do it. Iyon ay kung papayag sila. Basta ako, ayoko talaga. Damn! Kailan man ay hindi pa ako nailang sa isang activity ngayon pa lang. Gusto kong makasiguro kung tama ba ang aking nabasa kaya tiningnan ko ang materials na gagamitin at oo nga, tama ako. How small the sperms are and how do they move. Iyan ang nakalagay sa taas ng bond paper. Malaki ang pagkakasulat nito kaya imposibleng hindi mabasa agad. Tiningnan ko ang ibang leader at napansin ko na tulad ko ay ganoon rin ang kanilang reaksyon. "You need one person to donate a sperm para sa grupo," sabi ni Mrs. Bayona na naging sanhi ng pag-ugong ng mga bulungan sa loob ng klase. May mga mahinang tumatawa at mayroon namang ibang mga babae na nandidiri. Pero ang ibang kalalakihan ay nagkakantiyawan pa. "And that one person will be exempted and will automatically get the perfect score from this activity." Lumingon ako sa aking mga kagrupo at nakita ko si Dave na namumula ang mga tenga na nakatingin din sa akin. I shrugged my shoulder at him. He's looking at me, wondering who would do it. Sa tingin pa lang niya ay alam kong ayaw niya ring magdonate. "Sinong magdo-donate satin?" aniya. Kung dalawa sa amin ay ayaw, may natira pa namang isa. Hindi ko lang alam kung papayag siya. Dahil ako ay ayaw ko talaga. Ano man ang mangyari. Kahit perfect ang makukuhang score ay ayaw ko pa rin. Paghihirapan kung makakuha ng perfect score sa ibang paraan hindi sa ganito. Dahil nakakahiya! Tumingin ako sa gawi ni Kairo at nakita ko siyang nakangising nakatingin din sa akin. Ano kaya ang nasa isip niya at suot niya ang ngisi sa kaniyang labi. Alam kong sinabi ko sa sarili kong iiwasan ko na siya ngunit hindi ko ito magawa sa ngayon dahil magkagrupo kami. This was the only exception. Sige. Maliban na lang dito. Kapag involve ang acads, sige papalampasin ko. "Sino ang gagawa?" tanong ko sa kaniya na lalong nagpalaki ng kaniya ngisi. Bigla akong kinabahan sa kaniyang pagngisi. I wanted to wipe that devious smile on his face. Mukhang may iniisip siyang hindi ko magugustuhan. "Sino ba ang leader?" tugon niya na nagpapula sa aking mukha. Hindi maari! Sinasabi ko na nga ba. Sana hindi na lang ako nagtanong at sinulat ko na lang agad ang pangalan niya. "Oo nga Jasper. Ikaw na lang, tutal ikaw naman ang leader," rinig kong pagsang-ayon ni Dave na hindi nakatulong sa paghupa ng init sa aking mukha. Ang mukha ni Kairo na naaliw ay parang matatawa na. Nakakainis! "Stop beating yourself kung sino ang gagawa class. Next week pa naman ito," sabi ni Mrs. Bayona na nagpatigil sa anomang hiyawan at kantsawan sa loob ng klase. "Please open your book on page 43." We continued the class for what feels like ages ngunit parang walang kahit na anong pumapasok sa aking isipan dahil sa sobrang pag-iisip ng magiging activity next week hanggang sa natapos ang klase at nakaupo na kami sa canteen ni Janice para kumain. Images of me in my bed, late at night, naked and j*********f just for this stupid activity has me nearly forgetting how to breathe. No, hindi ko magagawa iyon. Pipilitin ko si Kairo na siya ang gagawa. Gagawin ko ang lahat. Paano na ang plano kong paglayo sa kaniya? Bahala na. Total about acads naman ito, 'e. "Okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Janice habang ikinaway ang kaniyang mga kamay sa aking mukha. "Ha? Oo naman," agad kong sambit na lalong pumukaw sa kuryusidad ni Janice. "Oo," sabi ko ulit na nagpatawa sa kaniya. "Hulaan ko. Ikaw ang napili nilang magdo-donate sa grupo ninyo, tama ako?" sabi niya habang itinataas-baba ang kaniyang mga kilay. Naramdaman kong uminit ang aking mukha. "Aha! Tama nga ako," sabi niya na parang nanalo ng lotto dahil sa pagkahula niya sa nangyari. "H-hndi. Hindi ako papayag," utal kong sabi. Hindi ko nai-imagine ang aking sarili na gawin iyon para sa activity. Oo, ginagawa ko iyon kapag ako ay may tawag ng laman ngunit walang kahit na sino ang nakakaalam niyon maliban sakin dahil nakakahiya kapag alam ng iba. At isa pa pang pribadong gawain iyon dapat ay walang nakakaalam. Hindi tulad ng magiging activity namin, malalaman ng lahat. Baka tampulan lang ako ng tukso. Naalala ko noong pumasok ako sa kuwarto ni kuya na hindi nagpapaalam at nadatnan ko siyang gumagawa nun. Ilang linggo niya rin akong iniiwasan nang mga panahong iyon. Kahit tumingin sa mata ay hindi niya magawa sa akin. Natawa pa nga ako kay Kuya noon. Si Kuya. Hmmm! Well, maybe I can still give a sperm. Kung hihihingi ako ng tulong sa kaniya. Though it considered cheating dahil hindi akin iyon ngunit aaminin ko na lang at para hindi na ako magiging exempted sa activity. Ayos lang naman sa akin na magperform sa activity basta hindi ako ang mag-dodonate. Papayag naman siguro si Mrs. Bayona as long as maka-provide kami ng materials para sa activity. Yeah, right. With that idea inside my head, I continued munching the food in front of me. "What are you smiling at?" Janice asked me. I looked at her wearing this mysterious smile she always hate everytime I did it. Sino ba ang hindi magtataka na kani-kanina lang ay para ko nang sabunutan ang aking sarili dahil sa pag-iisip kung pano tanggihan ang pag-donate at ngayon ay para na akong lunatic kung makangiti. "Hmmm? Nothing," I said albeit my mouth was still full but I know she understands me because of the way her brows quirk up. Ngunit wala na siyang ibang sinabi pa kaya nagpatuloy na lamang kaming kumain. I finished my food and decided to throw the trash away. Tumayo ako at nagpaalam muna saglit kay Janice. Nang mailagay ko na ang basura sa lalagyan ay hindi ko napansin na sinundan pala ako ni Nicole. Muntik na akong mabundol sa kaniya nang lumingon ako para bumalik sa aming mesa. "Jasper, right?" aniya. I don't have any idea of why she's talking to me right now but whatever it was I don't like it. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ang baklang laging bukambibig ng boyfriend ko," she said na nagpataas ng aking kilay. Boyfriend? Sino ang tinutukoy niya? "Oh, please stop pretending that you don't know him," dagdag niya habang pekeng tumatawa. "Si Kairo, okay na?" I am stunned, can't move a muscle. I'm right all along. May relasyon nga sila. Ngayon ay may rason na ako para tuluyang layuan si Kairo. Umaayon ata sa akin ang tadhana pero bakit hindi ako masaya? Para bang nadagdagan lang ang bigat na aking naramdaman. Bakit ganito? "Layuan mo ang boyfriend ko dahil hindi siya baklang tulad mo." Umalis siya matapos niyang sabihin iyon ngunit nag-iwan muna ng matalim na tingin. Ayos lang naman sa aking pagsabihan ngunit ang tingnan ano nang matalim ay hindi ko maintindihan. Hindi ko naman nilalandi ang boyfriend niya. Si Kairo ang lumalapit sa akin ni minsan ay hindi ko nagawang lumapit sa kaniya para landiin siya. Kung siguro tungkol sa activity ay nagagawa ko pero kapag tungkol sa ibang bagay? I highly doubt it. Hindi ko magagawa iyon. Bumalik ako ng lutang sa aming mesa at natagpuan ko ang nag-aalalang mukha ni Janice. "You okay? Nakita kong doon rin galing si Nicole. May ginawa ba siya sa'yo?" "Wala naman," tugon ko na alam kong hindi niya pinaniniwalaan ngunit hinayaan niya lamang ako. Ilang saglit lang ay biglang tumunog ang bell kaya binilisan ni Janice ang pagkain at nang matapos sabay naming nilisan ang lugar. Pumasok kami sa bawat panghapong klase ngunit sa bawat subject na pinapasukan namin ay mukhang walang pumapasok sa aking isipan. Why did he kissed me when he knows he has a girlfriend? Ang katanungang hindi maalis sa aking isipan buong maghapon. Did he do it just to mess with me? If so, his plan quite panned out. Mabilis na lumipas ang hapon na hindi ko man lang namamalayan. I just realized it when I climb out of Janice car at nakita na nasa harap na kami ng aming bahay. "See you tomorrow," she said while kissing my cheeks. "See you," tugon ko. Pumasok ako ng bahay at walang kahit na sinong nadatnan. Wala si Kuya ngayon dahil nagsimula na kahapon ang trabaho niya sa shop ng papa ni Janice. Si Mama ay nasa trabaho rin at mamayang ala-sinco pa siya makakauwi. Si kuya naman ay mamayang 4:30 P.M pa, 4:23 P.M pa lang. Nang sabihin sa akin ni Kuya na magsisimula na siyang magtrabaho ay mababakas ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung anong naging buhay niya sa loob ng kulungan at bakit siya nasasabik na magtrabaho. Kung ano man iyon ay hindi ko gustong malaman. Hindi rin kasi sinasabi ni Kuya sa amin nung tinanong siya ni Mama kaya nakaramdam akong hindi naging maganda. How the hell am I going to waste my time? Buti sana kung may assignments na binigay sa amin ngunit wala naman. At king mayroon man ay wala akong gana gumawa ng kung ano ngunit ayoko rin namang tumunganga na lang dito baka babalik na naman ako sa pag-iisip ng malalim kung bakit ginawa ni Kairo iyon sa akin. Minsan ay hindi ko talaga maintindihan ang aking sarili. Nanood na lamang ako ng T.V habang nagsasaing ng kanin, hinihintay na lumipas ulit ang oras kung kailan makauwi si Kuya at mama. Lalo na si Kuya dahil may hihingin pa akong pabor sa kaniya. Sana papayag siya. Bigla tuloy akong kinabahan sa gagawin ko. Ba't ba kasi may pa-ganoong activity si Mrs. Bayona. Sana hindi lang kami ang gumawa nun pati rin ang mas nauna sa aming year. Dapat ay naranasan din nilang mapahiya tulad namin. Hindi pupwedeng kami lang. Damn! I'm cruel. Sa kalagitnaan ng aking panonood ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Kuya na may hawak-hawak na paper bag. Alam ko ang laman nito. Pagkain. Dahil sa naka-print na logo ng isang kilalang fast food chain. "Kumusta ang pag-aaral bunso," bungad na tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Kaninang umaga ay ayos naman ang araw ko. Nagbago lahat nang kinausap ako ni Nicole at binigay sa amin ni Mrs. Bayona ang activity para next week. Sinalubong ko siya at kinuha ang paper bag sa kaniyang kamay. "Ayos naman po," tugon ko. Okay, why am I keep on lying this days? Is this my lie era? I don't want to think about it.m dahil hindi naman ako ganito. Hinubad niya ang kaniyang suot na sapatos at inilagay sa lagayan ng mga footwear sa gilid. Dinala ko ang pagkaing binili niya sa kusina at binuksan ito. Sinalubong ako ng amoy ng paborito kong fried chicken. Ang sarap! Narinig kong umakyat si Kuya sa kaniyang kwarto kaya inihanda ko na lamang ang aking sarili kung paano ko siya tatanungin sa aking balak. Pumunta akong sala at kinuha sa mesa ang activity sheet na ibinigay sa amin kanina. Naramdaman kong nanginginig ang aking laman. Kailangan ko ba talagang gawin ito ngayon? Hindi ba ang awkward naman siguro. Bahala na. I will just stick to my plan at kung hindi siya papayag ay may second option pa naman ako. Si Kairo. Sana ay papayag si Kuya para hindi ko na magawa pa ang second option na naiisip ko. Kasi ang plano kong pag-iwas ay siguradong hindi ko magagawa. Ang akala ko ay mas nakakahiya kung ako ang mag-dodonate pero pareho lang palang nakakahiya ang gagawin ko. Ang pinagkaiba nga lang ay nakakalimutan agad itong gagawin ko ngayon kaysa sa nauna. Iisipin ko na lang na hindi galing kay kuya ang ibibigay ko next week. Nadagdagan ang aking kaba nang marinig ko ang mga yabag ni kuya na pababa ng hagdan. Okay, last question para sa aking sarili. Kailangan ko ba talagang gawin ito? Oh, f*ck this. Gagawin ko na. "Oh, tutal andito ka na rin naman. Tulungan mo na lang akong magluto para pagdating ni Mama ay kakain na tayo," sabi niya nang makapasok sa kusina. Magluluto pa pala siya. Akala ko ay itong binili niya na ang uulamin namin. Pero ayos lang, masarap namang magluto si Kuya. "Uhmm, kuya. May hihingin sana akong pabor sayo," nahihiyang sambit ko. "Actualky, napakalaking pabor po." Lumingon siya sa akin at tiningnan ako ng seryoso. Ganito siya palagi kapag may hihingin ako. Biglang maging seryoso ang kaniyang mukha na para bang napakaseryoso ng magiging hiling. Even those silly things I asked way back when I was a kid. Palagi niyang sineseryoso. Kapag may hihilingin ang isang tao sa iyo ay pakinggan mo ito ng seryoso at mabuti dahil hindi natin alam kung anong hihilingin nila baka kailangan na kailangan talaga nila ito at hindi nila masabi sayo ng maayos dahil sa ipinapakita ng iyong mukha. Ito ang mga katagang naalala ko mula kay papa na sinabi niya sa amin ni kuya noon. Bata pa lamang ako nang mga panahong iyon ngunit tandang-tanda ko pa. Hindi ko akalaing maaalala ko pa ito. Namiss ko tuloy si Papa. Ibinigay ko kay kuya ang hawak na papel. Tinanggap niya ito at binasa. Habang nagbabasa ay nakita kung kumunot ang kaniyang kilay ngunit hindi kalaunan ay nawala ito at napahalagakhak siya. Hawak-hawak ang kaniyang tiyan na lalong nagpainit sa aking mukha. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan. "Bakit bunso? Hindi mo magawa ito?" natatawang tanong niya. Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil hindi ako komportableng pag-usapan ang mga ganitong klaseng paksa. Napansin niya atang naiilang ako dahil tumigil siya at nagseryosong muli. "Oo na. Kailan ba ito?" tanong niya. Gumaan ang aking loob nang marinig ang kaniyang sinabi. Buti na lamang ay pumayag siya dahil wala talaga akong balak gawin ang pangalawang opsyon na naiisip ko. "Sa lunes pa po," tugon ko. Tuesday ngayon kaya ay may ilang araw pa bago mangyari ang activity ngunit mas gusto kong sabihin agad kay kuya nang sa gayon hindi magiging awkward at baka mawalan pa ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya. Baka ako pa ang gagawa kung hindi ako makapagsabi kay kuya. We started rummaging inside the fridge kung anong maaaring lutuin at nang makadesisyon ay sinimulan na namin ang pagluluto. Napangiti ako dahil ito ang unang pagkakataong mangyari ito ulit simula nang makulong siya. I miss this. I miss him. I closed my eyes and tried to take it all inside my memory dahil hindi ko alam kung kailan ito magtatagal. I need to embrace every moment that I'm with Kuya. Ayokong mangyari ulit iyong dati na nakulong siya dahil pinagsisihan kong hindi ko ginugol ang mga bakanteng oras ko na hindi nakipag bonding kay kuya. Sila na lang ni Mama ang natitira kong pamilya kaya kailangan ko silang pahalagahan. Ang swerte ko na lang at dumagdag si Aling Ivy at Janice sa listahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD