Halos isang oras din ang naging biyahe nila Henry at ni Naomi pauwi sa bahay ng mga ito. Sobrang trafic na kasi ng mga panahong iyon. Pagdating nila sa lugar, bumaba na si Naomi at sinabing papasok na ito sa loob. Isang semi bungalow ang bahay ng mga ito, may maliit na gate na labasan at pasukan ng tao at may malaking gate na marahil daanan ng sasakayan na natatanaw niyang nakaparada sa harapan ng bahay. " Salamat Henry sa paghatid, mag-iingat ka sa pag-uwi. " nakangiti nitong sabi. " Sige, pasensya na ha. Ginabi ka tuloy ng uwi." sabi naman niya. " Okey lang yon Henry,salamat ulit." muling sabi nito. " Sige na,pasok kana sa loob. " sabi niya dito. " S-Sige." tipid na sabi nito. Naglakad na ito patungo sa gate. Ngunit ng malapit na ito sa gate,biglang bumukas iyon at lumaba