Chapter 10 "Uyy pizza yan pogi ha?" Agad na kinuha ni Mayla ang bitbit na pizza box ni Jacob. Pinandilatan naman ng pasimple ni Jaira ang kanyang kaibigan dahil hindi man lang ito nakaramdam ng kaunting hiya sa bisita nila. "Pasensya kana kay Mayla. Ganyan talaga yan" Ngumiti si Jacob sakanya na para bang ayos lang rito ang inasal ng kanyang roomate "It's okay. Para satin naman tatlo yan." "Asus pogi gusto mo lang yata makita ang bestfriend ko ano? Alas-nuebe na ng gabi oh?" Naramdaman niyang nahiya ng kaunti si Jacob dahil namula ang mga tenga nito Sinitsitan niya si Mayla at pasimpleng sinaway ito sa panunukso. Tumawa lang ito habang binubuksan na nito ang pizza box "Teka upo ka muna Jacob, kukuha lang ako ng maiinom natin" Paalam niya kay Jacob bago siya tumungo sa maliit nilan