Labis ang sayang nadarama ni Alyana matapos nilang bumisita sa Isla Valiente na ngayon ay pag-aari na ni Keane. Kahit na hindi nila lahat nalibot ang magagandang pasyalan sa isla ay naengganyo pa rin sya sa pagbisita nya doon. Hindi nya alam kung bakit itinaon pa ni Keane na may pasok sila at hindi pa nahintay ang weekend samantalang araw na naman ng Biyernes. Hindi nya rin mawari kung bakit parang napakasaya nito at parang napakaimportante ng araw na yon sa Señorito nya or she can say 'sa asawa' nya. Wala naman itong pinapahiwatig na iba maliban lang sa pagiging sweet nito at pagiging clingy sa kanya. Pero parang may ipinapahiwatig itong iba sa kanya na hindi nya malaman kung ano. Kasalukuyan silang nakasakay na muli sa yate paaalis sa isla. Nakatanaw sya sa papaliit nitong anyo dahil me