TWENTY-ONE: "Just trust me, dear." "ANO man po ang mangyari ngayong araw at maging desisyon ng korte, nagpapasalamat po ako ng malaki sa inyo, attorney, dahil sa pagtulong ninyo sa akin, sa amin ng namayapa kong asawa mula sa umpisa sa laban ng kasong ito." taos-pusong sinabi ni Fatima nang magkita na kami sa labas ng korte sa huling araw ng hearing. "Walang anuman. Masaya akong nakakatulong." nakangiti kong sinabi. "And trust me, we will win this case today. Just trust me, dear." Tulad ng ipinangako ko kay Fatima, nakamit nga niya ang hustisyang pinakaaasam para sa nawalang asawa. "With the facts presented and sufficient evidence, this Regional Trial Court hereby declares, Mayor Koan Ebenezer of guilty plea on murder to Fredie Cuaresma." Mangiyak-ngiyak sa saya si Fatima na niyakap a