FIFTEEN: "Ikaw ang yamang tanging mayroon ako." "GIA, Gia sandali hija!" Nagising ako sa pagkakatulog sa wooden sofa sa sala nang marinig ko ang boses ni sister Dayana at kaliskis ng mga paa sa sahig ng iba pang mga sister. Bumangon ako't tamang-tamang dumaan ang kapatid kong mukhang nagmamadaling tunguhin ang silid namin. "Ate Gia." tawag ko ngunit parang hindi man lang niya ako napansin. She's crying and she looks so hurt. Pagkarating sa kwarto ay malakas na ibinagsak niya iyon pasara. Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari? Tapos na ba ang hearing? Sumulyap ako sa wall clock at nakitang alas tres na ng hapon. Naalala ko kanina na umuwi kaagad ako dito sa kumbento nang wala akong anumang napala sa pakikiusap ko sa abogadong si Tim. Pagkarating ko rito ay wala akong gana sa panan