THIRTY-ONE(ONE): "In my office... Now." PAGKAUWI sa bahay, sumalampak agad ako sa sofa. It's a tiring but enjoyable day. Matapos namin sa duyan kanina ni Tyrone, nanuod kami ng dance competition at live band na doon din sa Plaza Park ini-held. Hindi namin halos namalayan ang oras dahil naaliw kami at nang lumubog ang araw ay kumain kami sa malapit na bistro roon. I turned the television on. Inilipat ko ang channel sa sports tv at tamang-tama na volleyball game ang palabas, live and girls edition. My kinda' taste. Tumutok akong maigi nang tumindi na ang laban ng dalawang team, 'yong tipo bang nasa exciting part na ng laro dahil walang gustong sukuan ang bola at walang gustong magpatalo. Tamang-tama naman nang magpatalastas at itsura kaagad ng kaibigan kong si Daniel ang bumugad. Endorse