TWENTY-SEVEN: "I know. I was really... really wrong." "WALANG katuturan at mas lalong walang katotohanan ang akusasyon mo laban kay Mr. Travis Milford, miss Cherish!" anang abogado ng kabilang panig kay Cherish. Huling hearing na ngayon sa kaso nina Cherish at Travis. Naunang isinalang sa huling mga katanungan ang kliyente ko dahil no'ng pangalawang hearing ay nauna ang kabilang panig. "Nagsasabi ako ng totoo, attorney." paninindigan pa rin ng dalagita. "Sa bibig mo na mismo nanggaling, may relasyon kayo ni Mr. Travis Milford kaya-" "Correction, attorney Dumisini, may naging relasyon at hindi may relasyon dahil tapos na sila nang mangyari ang insidenteng pananamantala ni Mr. Travis sa kliyente ko." nakisagot na ako. Gusto ko kasing klaruhing tapos na. Tapos na ang relasyon ng dalawa