TWENTY-THREE: "Ini-lock niya ang pinto bago nilapitan ako't pilit na niyakap" "MAGANDANG araw ho, attorney Monteamor." bati sa kasama ko at salubong sa amin ng babaeng tantiya ko'y nasa late 40's ang edad. Dalawang araw matapos akong abisuhan ni Tyrone para humawak ng kaso ng PFWO sa isang rape case ay pumunta kami sa opisina at tanggapan ng nasabing organisasyon. Wala rin akong nagawa kahit pa ayoko sa kasong ito, kahit pa ayokong humawak ng rape case. This is his command as my boss so wala talaga akong magagawa kundi sumunod kahit pa labag sa kalooban ko. "Magandang araw." sagot ni Tyrone. "By the way, this is attorney Montano, ang siyang mangangasiwa sa paghawak sa kaso ng bata ninyo." Binalingan ako ng babae at kinamayan. "Magandang araw ho, attorney." Tinanggap ko ang kamay nito