Chapter Sixty Six Kasalukuyang nakahiga kaming dalawa ni Typhoeus, nakaunan ang ulo ko sa malaki niyang braso at nakahawak ang kamay niya sa baywang ko. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Wala siyang suot na damit kaya ramdam na ramdam ko ang kanyang abs, hindi ko naman mapigilan na hawak-hawakan ito. Sumagi ulit sa isip ko ang naging lakad nilang dalawa ni Fraizer. “Ano ba talaga ang nangyari sa lakad n’yo ni Fraizer?” may kuriyosidad na tanong ko sa kanya at inangat ang tingin para magtama ang mga mata namin. “Hmm. We had a deep conversation,” sagot niya. “Pinagbantaan niya pa nga ako na kukunin ka niya kapag sinaktan kita,” nakangising sabi niya. “Huwag na siyang umasa dahil hindi ko gagawin ’yon at nakaplano na ang future natin.” Inabot niya ng halik ang noo ko kasabay ng mah