Chapter Seventy Four Kasalukuyan kong tinitingnan si Typhoeus mula sa salamin ng kanyang kuwarto. Kanina pa siya tahimik na tila may malalim na iniisip mula noong nakausap namin si Mr. Montero. “Ai…” tawag niya sa akin. Yumakap siya mula sa likuran ko at inupo ako sa mga hita niya. Itinukod niya ang kanyang baba sa balikat ko, pagkatapos ay hinigpitan pa ang pagyakap. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntonghininga. “I’m sorry,” mahinahong sabi niya. “Bakit naman?” nagtatakang tanong ko at hinawakan ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. “Tungkol sa sinabi ni Dad…” sagot niya. Naguguluhan naman akong napalingon sa kanya. “Ano ba ang nangyayari?” walang kaide-ideyang tanong ko. “Isa sa mga darating ang Lolo namin. Kakaiba ang ugali niya, mas malala pa kaysa kay Cameron,”