Chapter Thirty Two Pinag-usapan nila sa daan kung anong lugar ang pupuntahan namin. Nag-suggest si Sir Tymon na sa Bar na lang kami pumunta. Sinubukan itong tutulan ni Sir Typhoeus pero hindi rin siya nanalo dahil lima ang kalaban niya, kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod. Nang makarating ay agad akong hinila ni Sir Tymon sa loob. Malakas na tugtog agad ang bumungad sa amin at nagsasayawang mga ilaw na hindi naman masakit sa mata. Marami na ang sumasayaw at nagkakasiyahan dito. Mukhang nasa kalagitnaan na ng party nang pumasok kami. Way to Sexy ang kanta na may beat ng Super freak. Nakakadala ang music. Humanap kami ng table para sa aming pito. Nang makakita ng puwesto ay umorder na agad sila ng dalawang bucket ng beer. Napatingin ako kay Sir Typhoeus. Simula noong umalis kami ha