Chapter Forty Five Mahimbing nang natutulog si Veronica habang nakayakap sa braso ko. Nanatili naman akong gising. Kahit pilitin kong pumikit at matulog ay hindi ko pa rin magawa, dahil sa tuwing pipikit ako, pumapasok sa isip ko sina Sir Tymon at Ma’am Alazne. Tulala akong napahawak sa aking dibdib. Hindi ko alam pero nasasaktan ako, parang hindi rin ako makahinga sa bigat ng nararamdaman ko. Lalo na kapag naiisip ko kung ano ang ginagawa nila ngayon. “Tyran, bakit mo naman ’yon ginawa?” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang malakas na boses ni Sir Tyger mula sa labas. “Huh?” Napalingon ako sa direksyon ng pintuan. “Dapat ba na palakpakan ko siya dahil nagpapaiyak siya ng babae?” rinig ko namang boses ni Sir Tyran. Napakunot ako ng noo. Bakit ko naririnig ang boses nilang da