Chapter Fifty Five Napaangat ako ng tingin sa madilim na kalangitan na puno ng mga bituwin kasunod ang malalim kong pagbuntonghininga. Kasalukuyan kaming nakaupo ni Typhoeus sa gilid ng baywalk at dinadama ang malamig na hangin. Inaya niya akong lumabas pagkatapos kong magtrabaho at ito nahintuan namin. Maganda ang puwesto rito, mahangin at payapa ang kapaligiran. “How was your day?” tanong niya. Huminga ako nang malalim at ibinuga ito sa hangin. Sumandal ako sa malapad niyang dibdib. Naramdaman ko naman ang pagyakap ng isa niyang kamay sa tiyan ko. “Mukhang napagod ka,” mahinahon niyang sabi. Nakangiti kong inangat ang tingin sa kanya. “Kasama ko naman ang pahinga ko,” sagot ko. Natawa naman siya at napailing. “Bolera.” “Totoo kaya,” saad ko. Natigil ako nang biglang sumagi sa is