Chapter Seventy One Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Nakita ko rin ang mariin na paglunok ni Typhoeus na ngayon ay bakas sa mukha ang sobrang kaba. Pasimple akong tumabi sa kanya. “M-mukhang kailangan mo na munang umalis, Ai,” kinakabahang bulong ko at bahagya siyang siniko-siko para paalisin. Nagulat ako nang bigla siyang yumuko nang sobrang baba. “Sir! Mabuti po ang intensyon ko sa anak ninyo! Makaaasa po kayo na aalagaan ko siya. Hinding-hindi ko po sasaktan si Aina! Mahal na mahal ko po siya, Sir!” malakas na sabi niya habang nakayuko pa rin. Bahagya naman napabuka ang bibig ko. Namilog din ang aking mga mata, kasabay ng pag-iinit ng pisngi. Tila may kiliti rin akong naramdaman sa aking tiyan. “Ano ga’ng pinagsasabi mo, hijo?” nagtatakang tanong ni Tatay. “