Chapter Forty Three “Brothers, I’m gay. I’m sorry kung itinago ko ito sa inyo at ngayon lang sinabi,” puno ng sersiridad na paghingi ng paumanhin ni Sir Tyger. “Gano’n ba? Basta ang mahalaga, kahit ano’ng mangyari, tanggap ka namin. Kahit ano ka pa.” Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Halos kalahating oras kaming nandito sa garden para ma-practice ni Sir Tyger ang pag-amin sa mga kakambal niya tungkol sa kanyang tunay na kasarian. Nagkaroon na siya ng lakas ng loob dahil sa sinabi ni Sir Tyran at napagdesiyunan niyang mamaya na ito sabihin. “Kaya mo ’yan, Sir Tyger,” pag-cheer ko sa kanya. Kitang-kita ang pagkabahala sa ekspresyon ng kanyang mukha, napansin ko rin na nanginginig ang kamay niya. Pero hanga ako dahil nagagawa niya pa ring ngumiti kahit ganito. “Nag-usap ba ka