Chapter Eighteen BUMALIK na ako sa mansyon matapos ang pag-uusap namin ni Mr. Montero. Medyo nakakapanibago lang sa umpisa dahil may mga makakasama na ako sa pagtatrabaho, hindi katulad noon na ako lang mag-isa. Pero mas maganda dahil hindi na masyadong mabigat ang magiging trabaho ko rito. Pinagmamasdan ko ang aking hitsura sa salamin habang inaayos ang maid uniform na suot ko. Nag-ipit ako ng buhok para presko at hindi ito makasagabal sa paglilinis ko mamaya. “Ang ganda mo talaga, Ineng. Kaya pala bukambibig ka ni Sir Tylor sa ’min. Hindi siya nagkamali sa paglalarawan sa ’yo,” nakangiting sabi ni Manang Laura sa likuran ko na nananalamin din. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya. “Hindi naman po.” Isa si Manang Laura sa dalawang natirang maid na nakatiis sa kalokohan ng Sextuplet