Chapter Fifty One “A-aray,” mahinang daing ni Typhoeus habang marahan kong idinadampi sa kaliwang mata niya ang ice bag dito sa kanyang kuwarto. “Wait, medyo masakit.” Bahagya siyang umiwas nang idinampi ko ulit ito, pero idinikit na rin niya pagkatapos. “Bakit hindi mo sinabi na ako pala ang may gawa niyan?” medyo inis na tanong ko sa kanya. “Gawa ito ng multo na narinig ni Tyger kagabi,” biro naman niya. “Baliw!” natatawang sabi ko at napailing. Tinanggal ko ang ice bag sa mata niya at tiningnan nang mabuti ang pasa. Dahan-dahan kong inilapit ang aking kamay rito para dampiin ito nang bahagya. Medyo napapikit ang kaliwa niyang mata, napadaing ulit siya at napaiwas. Nakaramdam naman ako ng pagka-guilty habang pinagmamasdan siya. Wala siyang kasalanan sa galit ko kay Sir Tymon, per