Chapter Sixty Four Nakasandal ako ngayon sa headboard ng kama habang si Typhoeus ay nakahiga sa hita ko. Medyo maayos na ang pakiramdam ko matapos maging maganda ang pag-uusap namin ni Mr. Montero, pero sa tuwing naiisip ko ang pag-amin ni Sir Tyran ay hindi ko maiwasang maawa para sa kanya. “Welcome to our family,” nakangiting sambit ni Typhoeus habang nakatingin akin. Tipid akong ngumiti at hinaplos ang buhok niya. “Is there a problem? Aren’t you happy?” nag-aalalang tanong niya. Malalim akong napabuntonghininga bago sumagot. “Sobrang saya…” nakangiting sagot ko at nilaro-laro ang daliri ko sa malambot niyang buhok. “Hindi lang ako makapaniwala. Hindi ko inaasahang papayag na si Mr. Montero. Noon kasi tutol talaga siya,” dugtong ko. “Yeah… natanggal ka nang dahil sa akin.” Na