Chapter Thirty Habang lumilipas ang oras ay hindi maiwasang sumagi sa isip ko ang pag-uusapan namin ni Sir Typhoeus. Magkahalong kaba at kuryosidad ang nararamdaman ko sa sasabihin niya. Hindi man lang kasi siya nagbigay ng ideya kung tungkol saan ito, kung good news ba o bad news. Kasalukuyan akong naghahanda ng pagkain para sa anim na nanonood ng movie sa Mini cinema room. Inilagay ko na ang mga ito sa tray at dahan-dahang kinuha para dalhin sa kanila. Nang makarating ay nakayuko akong pumasok sa loob para hindi makaabala. Hindi naman maalis ang atensyon nila sa pinanonood. Ibinaba ko na ang pagkain sa maliit na mesang nasa gilid at tumingin sa malaking screen. Kissing scene pala itong naabutan ko. Napalingon ako sa kanila, nakatutuwa dahil nakatutok talaga sila. Salubong ang kilay n