Chapter 26 Attorney Jacob never stop telling stories about his life or about the stuff he likes and dislikes. Marami itong kinukwento habang kumakain sila sa isang fine dinning restaurant na malapit lamang sa Gong Shing Electronics. Ayaw na sana ni Aliah kumain pa dahil gusto na niyang tapatin si Atty.Jacob na wala na itong aasahan sakanya Ngunit hindi siya makahanap ng pagkakataon. Panay kasi ang kwento nito at sa tuwing sinusubukan niyang magsalita ay pinuputol agad nito ang sasabihin niya. Hindi niya rin naman kayang biglain ito. Mukhang masayang masaya pa naman ito ngayon. Wala siyang nagawa kundi ang tahimik na makinig at ngumiti ng pilit habang nagkukwento ito. Nakatingin lamang ang mga body guard ni Song-Jin sa di kalayuan. Kanina ay nilapitan sila nito at sinabing pina-uuwi