Chapter 36 Napalunok ng ilang beses si Aliah ng maramdaman niyang hinahaplos ni Song-Jin ang kanyang buhok Nakapikit lamang siya ngunit hindi pa siya nakakatulog. Pinigilan niya ang sariling mapakagat labi ng haplusin nito ang kanyang pisngi Alam niyang malalim na ang gabi. Kanina pa siya hindi makatulog dahil nasa iisang kama lamang silang dalawa ni Song-Jin. Ang lalakeng kaylan man ay hindi niya lubos maisip na makikita niya pang muli "Aliah.." Narinig niya ang baritonong boses nito na tinatawag ang kanyang pangalan. Mahina lang iyon upang hindi marinig ng kanilang anak na mahimbing ng natutulog Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata kasabay ng muling paglunok niya. Nagtama ang kanilang paningin ni Song-Jin kahit pa namamagitan sakanilang dalawa ang kanilang anak Hinap