Chapter Four

1566 Words
"Sige na, mauna na kami. Umuwi na rin kayo. Hinahanap na kayo ng parents n'yo." Nakalabas na kami ni Jake at nilagay na niya sa loob ng tricycle ang mga pinamili namin. Tapos pumasok na rin kami doon. Sinabi ko sa driver kung saan kami ibababa. "Who..." Bumaling ako kay Jake. May kunot sa noo niya. "Iyong binanggit ba ng mga estudiyante kanina? Si Sir Bernard? Teacher din sa eskwelahan. Ewan ko rin ba sa mga bata kung bakit tinutukso kami ng Sir nila. Huwag mo nalang pansinin." ngumiti ako kay Jake. Tahimik siya hanggang nakarating kami sa bahay. He helped me with the groceries. Ang iba ay nilagay namin sa ref at ang iba sa kitchen cabinet. "Okay ka lang?" puna ko sa katahimikan niya. He gave me a smile. "Yeah," Tumango ako at pinagpatuloy ang ginagawa namin. Nagluto na rin ako ng dinner pagkatapos. While Jake went to my room to take a bath. I was even humming while preparing the food. I was in a good mood these days. Parang may nag-iba. Although hindi rin naman talaga ako iritableng tao. "Jake," I called. Tapos na akong magluto at naghain na rin sa mesa. He was already in his fresh plain white shirt and cotton shorts nang naupo na siya roon. Nilagyan ko ng kanin ang plato niya. "Favorite mo na ang tinola?" I asked. Siya kasi ang nag-request na ito ang lutuin ko ulit ngayon. He nodded. "Yeah, I think," Ngumiti ako. "Ano pala ang favorite food mo?" "Nothing in particular," he shrugged. We talked while having dinner. I asked him random questions. Hanggang nakahiga na kami pareho sa kama. I just had a quick shower and then I settled beside him. Nakaunan ako sa dibdib niya habang nagkukuwentuhan lang kami. "My Mom's an only child. The only heiress to her family's wealth." kuwento niya. Ang Mommy pala talaga niya ang mayaman. "Dad came from a big family. I think nine silang magkakapatid and nasa middle siya." he shrugged. "Paano sila nagkakilala ng Mommy mo?" I curiously asked. "My Dad's a pilot," "Oh," tumangu-tango ako. "Ikaw?" He shrugged. "I'm already done with my MBA," "Nagtatrabaho ka sa airline n'yo?" Umiling siya. "Hindi pa," I looked at him. "Ano'ng ginagawa mo?" He grinned. "Here, lying in bed with you." Umirap ako. He chuckled and kissed my head. "Ayaw mo bang maging piloto rin gaya ng Dad mo?" I asked. "Hmm, I can fly an aircraft," Tumango ako. Ang galing naman. I imagined him in a pilot uniform. Lalo lang siyang sumarap sa isip ko. "Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Napahaba na ang bakasiyon mo," He lives in Manila. "Nah. I can do whatever I want." he said. "Parang ang spoiled mo naman pala." sabi ko. He's 27 and looks like he's just enjoying his life. Parang wala pa siyang reponsibilidad. Mas bata rin pala siya sa akin ng dalawang taon. "How about you?" he asked. "Ako? Hmm, ang Lola ko ang nagpalaki sa akin." I smiled remembering my strict but loving grandmother. Sorry, Lola, natuto na po maglandi ang apo n'yo ngayon. I sighed. "You were born and raised here?" Umiling ako. "Hindi. Sa Maynila ako pinanganak ng Mama ko. Pero inuwi niya rin ako rito sa probinsiya para ipaalaga sa Nanay niya." "Why?" mukhang medyo naguluhan siya sa kuwento ko. I sighed. "Wala sa planong nabuntis lang kasi siya noon ng dati niyang boyfriend. Hindi ko pa nakikilala ang Papa ko at sa pictures ko pa lang nakita si Mama. Ang huling sabi sa akin noon ni Lola ay pareho na raw may sariling pamilya si Mama at ang Papa ko sa ibang mga napangasawa nila." He was silent. "Okay lang naman. Hindi naman nagkulang si Lola sa pagpaparamdam sa akin ng pagmamahal noong nabubuhay pa siya. Maaga kasing nawala si Lolo kaya hindi ko na siya naabutan. Pero ang sabi ng Lola matutuwa raw iyon sa akin." I smiled a bit. I felt him kissing my head again and rubbing my arm a bit. "Ano'ng pakiramdam ng may mga magulang?" I asked him. "It's... fine..? I mean, okay naman. Close kami ni Daddy. My Mom's a bit strict but she's also loving." "Parang gaya ni Lola... Istrikto rin iyon, e. Noong bata ako ayaw akong ipaglaro noon masiyado sa labas. Madalas nandito lang ako sa loob ng bahay kapag walang pasok sa school. Tapos kapag linggo nagsisimba kami. Ayaw niya akong ipagsuot ng mga damit na nagpapakita masiyado ng balat. Madalas siya pa nga ang tumatahi mismo ng mga damit ko noon. Saka bawal boyfriend kahit noong halos magtatapos na ako sa college." I chuckled a bit. "Pero mahal na mahal ako no'n..." Hinalikan na naman ako ni Jake sa buhok. "My grandparents adores me, too. My grandma died years ago. I still have my grandpa." Tumango ako. "Masuwerte ka, Jake, kasi may mga magulang ka," Because truth is, pinangarap ko rin noon na makasama sila... Pero hindi na talaga nangyari. Ni hindi na nga ako pinuntahan kahit ng Mama ko rito sa probinsiya. Kahit noong namatay si Lola. Hindi siya umuwi. Ako lang ang nag-asikaso sa burol at libing ng mahal kong Lola. Naisip ko siguro ayaw na talaga nila akong makita. Parang kinalimutan nalang nila ako. Bumangon si Jake sa tabi ko at sinimulan akong halikan sa labi. Bumaba pa ang mga halik niya sa leeg ko. I closed my eyes with a smile on my lips... "Is there a near gym here? Or where can I jog?" Jake asked. Mula sa phone niya ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Tinitingnan ko lang ang mga pictures nila ng mga kaibigan niya na naka-saved sa gallery niya. Mukhang nag-e-exercise nga talaga siya. Samantalang ako hindi ko na nagawa 'yon. Payat na rin ako. Umiinom lang ako ng hinalong apple cider vinegar at nilagyan ng konting honey para maiwasan ang bloated na tiyan. "Malapit lang dito ang dagat. Puwede nating lakarin sa umaga tapos mag-jogging ka na doon. Samahan kita," sabi ko. He nodded and smiled. "Thanks. But you're going early to school," Tumango ako. "Gumising tayo nang mas maaga." I said. He agreed. "Mga kaibigan mo?" pinakita ko sa kaniya ang screen ng phone niya. He sat beside me. Gamit ang isang braso nilapit pa niya ako sa katawan niya. Madali niya lang ginawa 'yon. "Yeah, this is Myrrh, and Kaz." tinuro niya sa screen. "Sa'n mo sila nakilala?" "High school," Tumango ako. "Kaibigan mo lang talaga sila? Hindi mo naging girlfriend?" I asked him. The two girls on the pictures were really pretty and has a nice body. Parang mga artista o model. Naka-bikini pa sila madalas sa mga kuha dahil recent ang mga ito at nasa isla sila. "No," parang nandiri naman ang mukha ni Jake. "Myrrh and Kaz are just my friends. Kami nila Ryder and Russel, they're cousins. Nephews sila ni Tita Elisabeth, ang owner ng Villa." he swiped for me to see the other photos na naroon ang dalawa pa niyang lalaki namang mga kaibigan. "Handsome," I commented. Tumingin ako kay Jake at nakataas na ang kilay niya. I chuckled and pinched his cheek a bit. "Siyempre ikaw pinaka-guwapo." I told him. "Really? Mas guwapo doon sa Bernard?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Naalala pa niya? Naisip ko nga ang kapwa ko rin gurong si Sir Bernardo Guinto. Umiling ako. "Mas guwapo ka." sigurado kong sabi. Hindi naman sa pangit si Sir Bernard pero huwag nalang ikumpara kay Jake. So the next day wearing my black leggings and jacket covering my racerback we went out early for our planned jog. I looked at Jake. Ang guwapo naman ng kasama kong mag-jogging. Plus the sunrise by the sea. Ang gandang tanawin. Juan Karlos Montañez... What good did I do for you to be here beside me now. Ang suwerte ko naman yata. Tapos ang bait pa niya. Ang bait niya talaga kahit ilang araw pa lang kaming magkasama. Palangiti siya na nakakagaan ng loob. Tapos kahit halatang laki sa yaman ni minsan hindi siya nagrereklamo sa kung ano lang ang mayroon sa bahay ko. Okay lang sa kaniya na naka-electric fan lang kami kahit siguradong sanay siya sa AC. Naka-steady na nga ang fan sa kaniya dahil nagigising ako minsan noong una na pawis siya pero parang tiniis niya lang ang init. Mabilis kasi akong lamigin kaya naka-number one lang ang electric fan at naka-ikut-ikot. Tapos simpleng mga pagkain lang pa ang hinahain ko sa kaniya. Siguro miss na niya ang steak? Pero nakikita ko namang masaya na siya sa pinapakain ko sa kaniya. He's also really appreciative. He appreciates even the smallest thing I do. Nakakatuwa siya. "Ah! Jake!" Nasa loob kami ng banyo and my palms were pressed against the bathroom wall. Bahagya akong nakatuwad mula sa kaniya at nakapuwesto siya sa likuran ko. He was holding my waist. He reached for my breast, too, para pisilin. Para siyang gigil. He was roughly f*****g me from behind. "Ah!" I moaned longer this time. Tumigil siya sandali at pinaharap pa ako sa kaniya. He carried me and in that position he continued f*****g me. I was so lost again. Hindi ko na alam kung saan kakapit. I just moaned and was erotically calling his name. He groaned, too. Iyon pa ang lalong nagtulak sa akin sa sukdulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD