CHAPTER 54: Before Epilogue. Halos tatlong buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat. Na-excite ako nang tumunog ang phone ko at nakitang si Tiarra ang tumatawag. Ang tagal na rin naming hindi nagkakausap dahil sobrang hectic na ang schedule ko at hindi ko nasasagot ang mga tawag niya nitong mga nakaraang araw. I always apologize to her everytime I missed her calls pero sabi niya sa akin ay okay lang daw. "Hello baks! I missed you!" bungad ko sa kaniya. "Oh gosh, at last ay sinagot mo na rin kaagad ang tawag ko. Akala ko ba naman ay mabobokya na naman ako. Nakakapagod ring maghintay na sagutin mo ang mga tawag ko. Gustong-gusto ko na pa namang ikwento sa'yo 'to pero ayaw ko kasing sabihin sa text message or sa chat lang. I want to tell you the whole detail in call!" aniya. She

