Chapter 14: Date. Excited silang lahat na makilala ako. Habang ako naman ay halos manginig na dahil sa takot. Si Elton ang nagpaalam kay mama at papa na dadalhin niya ako sa bahay. He even let her papa talk to papa para lang masigurong nandito nga ako. Legal na both sides ang relasyon naming dalawa, kulang na lang ay magiging totoo ito. Kailan pa kaya 'yon? Mukha ngang hindi na mangyayari! "I told you, hindi bakla si Elton! Siguro kagaya lang talaga siya ni kuya Hero na ang tagal bago magkaroon ng girlfriend!" ani Kuya Peterson na abala ngayon sa pagsasandok ng ulam, menudo na niluto ng mama nila. "Bakit nasali na naman ako?" takang tanong ni Kuya Hero na kaagad lang din nginitian ni Kuya Peterson. "That's what I thought as well. Ito kasing mama mo makulit, akala niya talaga bakla si

