Chapter 40: Ask Him. Masayang naupo ako sa tabi ni Tiarra nang nasa loob na kami ng eroplano. Masaya ako dahil hindi tinotoo ni Elton iyong sinabi niya sa akin na sasabay siya sa amin sa pag-uwi. After kasi naming mag-usap noong gabing sinabi niya sa akin na tinanong niya si mama kung paano magluto ng champorado, hindi na siya nangulit sa akin. Mabuti nga at hindi na dahil nai-stress lang ako sa kaniya. "Hindi naman pala pumunta rito si Elton para sa'yo, nalaman ko kanina lang from Chelsea na may business trip pala siya rito kaya nagpunta. At siguro na-extend kaya hindi na siya nakasabay sa atin sa pag-uwi. Tumango ako sa ibinalita sa akin ni Tiarra. Napalingon na lamang ako sa labas ng bintana. Somehow, nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi naman pala talaga ako ang sinadya niya sa Am

