Chapter 11: Eating Ice Cream. Nasa loob kami ng simbahan pero si Elton pa rin ang nasa isip ko. This is the reason why masyadong conservative ang family namin. Dedicated kami sa aming religion at panata ng pamilya naming tuwing Linggo talaga ay magsisimba. Well, I grew up doing this, walang Linggong pumalya si mama at papa na hindi kami nagsimba mula pa noong pagkabata ko. Kung mayroon man, iyon ay dahil may sakit si Ate o kaya ako. At ang nangyayari ay iniiwan nila kami sa bahay, bibigyan lang ng baby sitter at magsisimba pa rin sila mama. I love this s'yempre, but not fact na masyado silang conservative. I thought of this one even before. Tanggap kaya sa langit ang mga bakla? Wala namang nakasulat sa bibliya na hindi tinatanggap ang bakla sa langit. Pero ang nakasulat ay ang babae ay

