CHAPTER 33 DAYS passed at ngayon ay nakauwi na ang lola ni Yza. Naka-assign na ang ate Perla niya na mag-alaga na muna sa matanda habang pumapasok siya sa eskwela. Ilang araw na ang nakalipas at maayos naman silang mag-asawa. Wala man gaanong imik si Adam ay ramdam niya ang paglalambing niyon sa kanya na parang hindi nakakapasok sa opisina nang hindi niya inaayos ang damit. Ngayon ay kabadong kabado siya sa mga pwedeng maganap kinagabihan. They’re traveling to Tagaytay with her friends. Sa halip na party ay sa overnight stay at swimming ang punta nila sa isang bahay bakasyunan ni Adam. Hindi niya alam na ganoon. Last minute na niya nalaman nang ilabas ng tauhan ng asawa ang limousine at doon sila pinasakay. Kanina pa siya pasulyap-sulyap dito habang busy ito sa pakikipagdaldalan sa nas