Ika-limang araw na ngayon na walang paramdam si Cloud. Siguro ay hindi naman talaga siya interesado sakin. Maybe his mother has put senses into his head. Siguro napag isip-isip niyang hindi ako bagay sa kanya. Sa estado ba naman nila sa buhay hindi isang katulad ko lang ang karapat-dapat niyang mapangasawa. Hindi ko lang alam si Sir Dos... "Salamat naman at pinagbigyan mo ko this time, Janina." nakangiting sabi ni Sir Dos. Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung anong tamang isagot sa kanya. Tapos na kaming kumain. Inuubos na lang namin ang inorder niyang hot coffee para sa amin. "Can I ask you a question?" tanong nito. "S-sure po." sagot ko. Napailing ito habang nakangiti. "Before my question, will you please drop the 'po'? Feeling ko ang tanda ko na....29 lang naman