***** RUCIA ***** Grabe ang punas ni Rucia sa kanyang mukha nang umahon sila ni Aman. Sanay siya sa ilog, marunong siyang lumangoy, pero pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga dahil hindi niya inasahan iyon. “Pasaway ka talaga!” pagkuwan ay angil niya sa binata. Nakapulupot ang isang kamay niya sa leeg nito. Ginawa niyang salbabida dahil nasa parteng malalim sila ng ilog. At mukhang alam iyon ni Aman dahil hindi man lang nagdalawang isip na tumalon kasama siya. Ama’s lips brushed her collarbone up to her throat. Humigpit ang pagkakaahas ng mga bisig nito sa tiyan niya. Kay dami niyang gustong sabihin tulad ng paano kung napakahamak sila. Paano kung nabagok ang kanilang ulo dahil may bato pala sa ilalim? Ngunti ay nilunok na lang niya lahat. She swallowed a groan of pleasure.