PART 19 (SPG)

1786 Words

*****RUCIA*****   “Ang landi talaga. Ang landi-landi,” himutok ni Rucia habang inilalagay niya isa-isa ang mga pinamili nila ni Aman sa two-door refrigerator. Walang ingat na pinagsasalansan niya ang mga karne ng manok at baboy. Iyong itlog, nabasag na ang isa. “At ang lalaki naman na iyon imbes na magpahinga nakikipaglandian din. Mabilaukan sana kayo ng alak,” sabi pa niya. Iyong mga gulay naman ang ang kinalkal niya sa eco bag. Padabog pa rin na inilagay sa ref. Inis na inis kasi siya dahil inalok ni Chana si Aman na uminom. At ang hudyo na Aman pumayag naman agad kung kaya naroon ang dalawa ngayon sa may harapan ng farmhouse at nag-iinuman. Sa may pasadyang kawayang pahingaan na may mahabang kamang yari sa kawayan. How she wished kasama niya ngayon si Jella para may karamay siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD