PART 3

2050 Words
***** AMAN ***** “Bakit mo pinaalis ‘yong bus? Isang oras na naman ang hihintayin ko nito bago may ganoong bus na dadaan, eh. Magagahol ako sa oras nito, eh,” naiinis na sabi ni Rucia. Nagpadyak pa ito ng isang paa na parang bata at kamot sa ulo na animo’y nagsulputan ang mga kuto sa ulo nito. “Kasi gusto ko nga na sumabay ka na lang sa akin. Sayang naman pamasahe mo. Promise I'll speed up the drive,” palusot ni Aman. Pangiwing nakangiti siya. Kinakakabahan kasi siya baka galit nga sa kanya ang dalaga o kaya naman turn off na ito sa kanya. Hindi puwedeng mangyari iyon dahil ang dapat ay makuha niya ang loob nito. He swallowed as he waited for her answer. “Aissst!” Tumirik ang mga mata ng dalaga kasabay ng paghalukipkip. Disappointed talaga sa kanyang ginawa. “I'm sorry but I just want to help like you helped the child. Wala akong masamang intensyon,” aniya na may pagpapakumbaba. Ngumiti pa rin siya kahit na nainis siya sa gesture na iyon ni Rucia. Iyon pa lang ay gusto na niyang ipamukha rito na siya si Aman Buenaventura, ang lalaking nagmamahal sa babaeng pinaglaruan nito sa prank call. Tiyak na mamumutla ang buong katawan nito. Pero hindi, hindi pa ito ang tamang oras. “At bakit mo naman naisip kasi na sasama ako sa’yo, eh, hindi nga kita kilala. Malay ko ba kung---” Hinagod siya ng tingin ng dalaga mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo bago tinuloy ang sinasabi. “Oo na, guwapo ka na pero estranghero ka pa rin. Malay ko ba kung anong balak mo sa akin. Mamaya i-rape mo pa ako tapos papayag ako.” “Huh?” Gulat siya sa huling sinabi nito. “Sabi ko baka rapist ka o ano pa man,” mabilis naman na pagtatama ni Rucia sa kalokohan. His jaw dropped as he pointed at himself. “Itong guwapo kong ito—“ “Hep!” Hindi nga lang niya naituloy ang ikakatwiran dahil iniharang ni Rucia ang dalawang kamay nito sa pagitan nila upang patigilan siya sa pagrereklamo. “Huwag mo nang ituloy dahil ang dami nang nagkatuloyan sa katagang iyan sa mga istoryang nabasa ko.” Ano raw? Nakusot ang mukha niya. Hindi niya iyon nakuha. “Taga-saan ka rito sa Tagudin? Dito ka ba mismo sa Barangay Bio?” nakaarko ang kilay na tanong sa kanya ng dalaga. “Is this an interview?” Tumango ito. Seryoso na ang mukha. “Hindi ka taga-rito. Alam ko.” “Yeah.” Ngumiti naman siya. “May dinalaw akong kamag-anak. Magbabakasyon kasi ako rito next week.” “Sinong kamag-anak mo rito? Hindi muna kasi maitatanong, eh, halos kilala ko na ang mga tao rito,” may pagmamayabang na saad ng dalaga. Ngayon naman ay kinilatis ang kanyang damit, pantalon, at sapatos. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon na hindi nakatingin sa kanya ang dalaga. Pasimpleng iniikot niya ang tingin sa paligid. Syempre kadarating lang niya rito kaya wala pa siyang kilala. And he saw a house not far away. “Teka. Huwag mong sabihin ikaw ang hinihintay na bisita nina Manong Noling?” mayamaya ay narinig niyang masiglang wika ni Rucia. Bumuka ang bibig niya ng, “Huh?” “Doon ka ba sa bahay na iyon galing? Kina Manong Noling?” Itinuro ni Rucia ang bahay na tinitingnan niya. Nakita pala siya. Hindi pa rin siya nagbigay ng ano mang sagot o gesture. Napakurap lang siya habang nakatitig rito. “Naku, ikaw pala iyon.” Sa isang iglap ay friendly ulit sa kanya si Rucia. “Close kami ni Manong Noling. Ang totoo ay ibinilin niya sa’kin ang pagdating mo dahil nasa ospital sila ngayon ni Manang Agnes dahil sinumpong na naman ng sakit si Manang Agnes. Kapag darating ka raw ay sabihin ko sa’yo.” Bumuka lang ulit ang bibig niya. Wala siyang masabi dahil tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Rucia. “Ano nga ulit ang pangalan mo?” “Aman Buenaventura,” pinilit niyang sagot. Napakamot si Rucia sa sintido. Napaisip. “Aman ba iyong sinabi ni Manong Noling na pangalan mo?” “Um… baka hindi dahil iba ang palayaw ko minsan sa mga kamag-anak ko,” mabilis niyang sabi. Mahabang, “Aaaaahhh!” ang lumabas sa bibig ni Ruca. Naniwala naman agad. At buti na lamang. “Saang ospital sila nagpunta?” usisa na niya. May naisip na siyang plano. Kung sa Manong Noling na iyon ang paraan para makuha niya ang tiwala ni Rucia ay puwede namang gawan ng paraan lalo’t nangangailangan iyon ng pera. Puwede niyang alukin ng pera para palabasing siya nga ang bisita nito oras na magkita-kita sila ni Rucia. “Doon lang sa ospital na iyon,” turo ni Rucia sa bandang malapit sa pinagtanongan niyang waiting shed kanina. Naisip ni Aman na baka iyong hospital na nadaanan niya kanina pagkalampas niya sa mahabang tulay. “Sige saka ko na lang sila pupuntahan pagbalik ko. Pabalik na kasi ako Manila. Bibisita lang sana talaga muna ako but something came out in urgent. Pinababalik ako sa office kaya kailangan ko nang bumalik para makahabol,” gawa-gawa niyang sabi. Tumango-tango si Rucia. “So, sasabay ka na sa akin?” dikawasa’y hirit niya na naman. Bumuntong-hininga si Rucia na ngayon ay may ngiti na. “Sige na kunin mo na ang kotse mo. Kilala ka naman pala ni Manong Noling. Siguraduhin mo lang na gumagana ang aircon ng kotse mo, ah.” Tuwang-tuwa siya. Napa-“YES” pa siya tulad ng isang lalaki sa kanyang nililigawan na ang eksena ay biglang pumayag ang babae na magpahatid sa bahay nila. Natawa naman si Rucia. Mabilis na nga niyang tinungo ang kanyang sasakyan. Pero nang hawak na niya ang manibela ay nagtangis ang kanyang mga bagang. Tiningnan niya si Rucia sa may side mirror at nanlisik ang mga mata niya. “Humanda ka, Rucia Manrique, dahil umpisa na ng pagpapaikot sa iyo,” saka dikit ang mga ngiping sabi. Nang tumingin sa sasakyan si Rucia ay pinaandar na niya ang kanyang sasakyan. Pinarada niya iyon sa tapat ng dalaga. Mabilis na umibis rin siya pagkatapos. “Let’s go?” paniniguro niya. Mas tinamisan niya ang pagkakangiti. Lumabi-labi si Rucia. Nag-isip na naman. Nagdalawang-isip na naman yata kaya kinabahan ulit siya. Titingin sa kanya ang dalaga tapos sa kotse niya. Illang beses na gano’n bago sinabi ang, “Okay.” He breathed a sigh of relief. “Akin na ‘yang mga buggage mo. I'll put it in the compartment,” pa-gentleman niyang sabi. “Hindi. Ako na. Mabigat ito,” subalit ay pagtanggi ng dalaga. Ito na nga ang humila ng dalawang maleta. Kamot-batok na lamang siya bago sumunod. Inunahan niya si Rucia at binuksan ang compartment gamit ang key control. “Wow automatic. Sosyal.” Tipid ngiti lang siya. “Ako na,” presenta niya ulit nang nahihirapan si Rucia na buhatin ang isang maleta. “Kaya ko ‘to,” matigas ang ulong pagtanggi pa rin ng dalaga kahit na nagkakandapula ang mukha nito sa pagbuhat sa maleta. “I insist ako na,” totoong naawa naman siya kaya giit na niya. Hinawakan na niya ang handle ng maleta dahilan para magpatong ang mga kamay nila. Saglit tuloy silang natigilan nang maramdaman nila ang init ng mga balat nila. Hindi rin naman nagtagal ay parang napaso si Rucia na inalis ang kamay. “Um… sige, bahala ka.” Sa una’y nagtaka rin siya sa sarili niya dahil bakit niya naramdaman iyon. Pero agad niyang iwinaksi at inisip na normal lang iyon dahil lalaki siya at babae si Rucia. “Ingatan mo lang at baka may mabasag,” pukaw sa kanya ni Rucia. “O-okay…” At binuhat na nga niya ang maleta. “Oy!” Nga lang ay laking pagtataka niya nang sa unang tangka niya ay nabinat ang buto ng kanyang braso. Hindi lang pala mabigat, sobrang bigat pala ng maleta. Para siyang bumuhat ng malaking bato. “Sabi sa’yo mabigat, eh,” pigil ang tawa na saad ni Rucia. Umasim ang mukha niya. Pahiya siya ro’n, ah. “Ano bang laman nito? Bakit parang may mga bato?” Natawa na talaga si Rucia. Walang emeng tawa. Ang genuine. “Mga bagoong iyan. Ibebenta ko sa mga suki ko sa Quiapo at Baclaran bago ako mamimili ng mga paninda ko. Isa kasi akong online seller pero mas tamang tawag ko sa sarili ko ay raketera. Lahat kasi ng puwede kong ibenta ay ibebenta ko,” tapos ay proud nitong sabi. “What?!” exagge na reaksyon niya. Iyong bagoong lang ang tumatak sa isip niya na sinabi ni Rucia. Naisip niya agad ang kapakanan ng kanyang kotse. Oras na may mabasag, goodbye car freshener. “Bakit may probema ba?” “W-wala,” nautal niyang sagot. Pinigilan niyang mapasimangot. Ano ba itong pinasok niya? Dapat pala sinundan na lang niya ang bus na sasakyan ng babaeng ito. Damn! “Gusto mo ako na maglagay? Yakang-yaka ng muscles ko ‘yan.” “Hindi. Okay na,” maagap niyang sabi sabay buhat sa maleta. “Nagulat lang ako kanina. Nasanay kasi ako sa maleta na damit lang ang nakalagay hindi parang bato.” Mas grabe na ang naging tawa ni Rucia. Hanggang sa nahawa siya. Tumatawa na may kasamang iling-iling sa ulo na binuhat na nga niya ang maleta upang ilagay sa compartment. Naginhawaan pa siya na magaan naman iyong isa. Kung ano ang laman ay hindi na niya inalam at baka tuluyang magbago ang isip niya na pasakayin ang dalaga. Basta malayong mas magaan kaysa doon sa isa. “Akala ko pa naman nag-alsa balutan ka dahil dala-dalawa pa ang maleta mo,” aniya nang nasa byahe na sila. May inilabas na maliti na notebook at ballpen si Rucia. Binuklat-buklat. “Actually tatlong maleta talaga ang dala ko kapag lumuluwas ako. Tumumal lang kasi nang mga order sa akin ngayon. Epal kasi na mga lalaki. Pinipigilan ang mga sawa nila na um-order. Iyon na nga lang ang kaligayahan ng mga asawa nila pinipigilan pa nila. Mga kuripot.” Sandaling nakusot ang noo niya. Hindi niya ma-imagine ang hitsura ng dalaga na tatlo ang hatak-hatak na maleta tapos ay kay bibigat pa. “Ikaw? Kuripot ka rin ba sa asawa mo?” ngunit dahil tanong ni Rucia sa kanya ay nawala ang imahe ni Rucia sa utak niya na hirap-hirap na hilahin at buhatin ang mga luggage. “Bakit mo naitanong?” pilyong balik-tanong niya nang mabilising sulyapan ito. There was fleeting smile on his lips. “Gusto mong malaman if binata ako o may asawa na ako? You're interested in me, aren't you?” Nanlaki ang mga mata ni Rucia. Her face redenned a bit with embarrasment. “Yabang mo. Alam ko naman na may asawa ka na o kaya fiancée. At huwag mong sasabihing wala dahil sa guwapo mong ‘yan ay imposibleng wala. Mga style niyong mga lalaki kaya ang daming kabit sa world, eh.” His eyes widened, and all of a sudden, he roared with laughter again. Natawa siya sa huling sinabi nito ukol sa kabit. At least masaya kausap ang dalaga. Pabor man lang sa kanyang pakikisama rito. “Umamin ka,” sabi pa ni Rucia. Itinuro sa kanya ang ballpen. “Sa wala nga,” he countered. “Ah, suss… ‘Wag ako,” Rucia snorted. Ang pangit ng pagkakangiwi. Parang sa mga komedyante sa TV na gustong magpatawa. Labas sa ilong na natawa siya ulit. Kung hindi lang siya nagmamaneho ay pinilipit niya ang ilong nito. Ang cute, eh. Ang kulit pala na babae ito. At dahil diyan, ngayon pa lang ay sinabihan na niya ang sarili niya na dapat guwardyahan niya ang puso niya. Kahit gusto niya ang mabilis na pagkakapalagayan nila ng loob ni Rucia, dahil ito naman talaga ang goal niya, ay mahirap. Hindi puwede na siya ang mahulog sa kanyang patibong. A bit silence hung in the air. Hinayaan niyang maging palaisipan iyon kay Rucia kung may asawa na nga ba siya o wala pa. Mas mainam upang magkainteresado ito sa kanya………
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD